^

PSN Showbiz

SOCO mas pinaaga na tuwing Sabado, Failon ngayon at TV Patrol Weekend magsasanib-puwersa

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mas paiigtingin pa ng ABS-CBN ang pagpapatrol, pagbibigay ng serbisyo publiko, at pagmamatyag sa bayan sa mas pinalakas na hapon nito tuwing Sabado tampok ang SOCO, Failon Ngayon, at TV Patrol Weekend simula ngayong Hulyo 14.

Mapapanood na ng mas maraming Pilipino sa mas pinaagang timeslot na 4 p.m. ang paghahanap ni Gus Abelgas ng hustisya sa mga biktima ng krimen sa premier crime investigation program niyang SOCO: Scene of the Crime Operatives.

Ayon kay Gus, ang pagbabagong ito ay hindi lamang hahatak ng mas maraming manonood kundi mas maraming tao ring magmamalasakit, magmatyag, at makakaalam ng mga karahasang totoong nangyayari sa lipunan.

“Panahon na rin para maging parte sila ng peace and order campaign ng ating komunidad laban sa karahasan at krimen. Matututo ang ating mga ma­nonod na maging responsible, magmatyag, at magsumbong ng mga insidenteng maaaring may alam sila. Hindi lang sila interesado sa programa kundi sa resolusyon ng mga kaso,” sabi ni Gus.

Para sa unang pagtatanghal nito, iimbestigahan ni Gus ang isang sektang itinayo ng lider na si Antonio Dumala Faelnar na nangakong siya ang sugo ng Diyos at nagtayo pa ng lugar sa Marikina na ti­nukoy niyang paraiso kung saan hihintayin niya at ng mga alagad ang pagdating ng Diyos.

Ngunit sa halip na kaligtasan ay tila nasadlak sa kapahamakan ang mga deboto ni ‘Chief’ na nakakatikim ng mga hagupit ng sinturon o yantok sa tuwing nilalapas­tangan daw nila ang kautusan ng sugo ng Diyos.

Bukod pa rito, panggagahasa rin ang inabot ng ilang biktima. Isa sa mga umanib sa Global Empire Government Covenant ni Chief ay ang pamilya ni ‘Mang Jess,’ isang tubong Mindanao na agad nakumbinsi ng mga alagad ni Chief para sumapi sa samahan. 

Sa pagpatak naman ng 4:45 p.m., mapapanood ang pagsasapubliko at pagpapaliwanag ni Ted Fai­lon sa mga isyung nakaka-apekto sa lipunan at ta­umbayan sa Failon Ngayon.

Ngayong Sabado, uusisain ni Ted ang pinapa­tayong Entertainment City Manila ng Philippine Amuse­ment and Gaming Corporation (PAGCOR) na umano’y maraming sabit.

Samantala, ihahatid naman nina Pinky Webb at Al­vin Elchico sa TV Patrol Weekend, 5:30 p.m. ang pi­na­kasariwa at pinakamakabuluhang mga ba­lita para sa buong pamilya, mga isyung hindi na­pagtutuunan ng pan­sin ng pamahalaan, mahala­gang impormasyon tungkol sa job openings, at pag­babantay sa karapatan at kapakanan ng mga consumer.

ANTONIO DUMALA FAELNAR

DIYOS

ENTERTAINMENT CITY MANILA

FAILON NGAYON

GAMING CORPORATION

GLOBAL EMPIRE GOVERNMENT COVENANT

GUS ABELGAS

PATROL WEEKEND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with