Dolphy kinaiinggitan na ang kabutihan
Nagkaroon ng bagong kahulugan ang pet name ni Dolphy na Pidol. Naging Philippine Idol na ito ngayon na mas bagay sa namayapang komedyante na l’m sure ay proud na proud ang miyembro ng pamilya niya dahil ngayon lamang nila nalaman na si Dolphy is well loved all over the world.
Ngayon, ang lahat ay nangangarap na maging ganundin sila sa kanilang paglisan sa mundo. Malalaman nila sa kanilang buhay, mayroon silang nagawang maganda.
Paulo hindi na dapat pakialaman
Hindi ko sinisisi si Paulo Avelino kung parang nakakalimutan niyang i-acknowledge ang kanyang mag-ina sa pagtanggap niya ng mga acting awards niya.
Marami namang nga nananalo, lalo’t ng mga award na may nakakalimutang banggitin at pasalamatan. Kung si LJ Reyes ay hindi naapektuhan nito, bakit kayo dapat maapektuhan.
Pidol hindi na kailangan ang National Artist award
Sana, tuluyan na ngang hindi maipagkalob kay Dolphy ang National Artist Award para hindi na makadagdag pa sa kasiphayuan ng kanyang mga naulila na tulad din ng namayapang komedyante ay nangarap ding makatanggap ng nasabing award pero ipinagkait nila.
Tutal, naman naipagkaloob na dito ni P-Noy ang pinakamataas na pagkilala at parangal para sa kanyang nagawa para sa industriya ng local showbiz. It will not make any difference anymore kung hindi man siya maging National Artist since isa na siyang National Treasure.
- Latest