^

PSN Showbiz

Sam niresbakan ang mga nagne-nega sa kanyang kaseksihan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng parangal at pagpupugay para kay Dolphy na nakaburol na ngayon ang kanyang mga labi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Pagkatapos bigyan ng magandang eulogy ng ABS-CBN, kagabi naman ay ang TV5 na binanggit ni ZsaZsa Padilla na malaki ang utang na loob nila.

Ngayong araw ay sponsor naman ang Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) at ng Sampaguita Pictures at bukas ay ang GMA 7.

Pinaghahandaan din ng Kapuso ang isang special para kay Dolphy na lalahukan ng Kapuso stars.

PAK: Medyo irita si Sam Pinto na sinagot ang komentong mas kinakarir nito ang mag-No. 1 na Sexiest Pinay sa FHM kesa magbida sa isang drama series o galingan ang acting.

“I think it’s two different things. Acting is acting, being sexy is being sexy. That’s it!

“I’ve been in the business for two years, I can’t be a veteran for two years. I know I have a long way to go pa,” medyo iritang sagot ni Sam sa presscon ng FHM.

Kagabi ang victory party ng FHM na ginanap sa World Trade Center, at tiniyak ni Sam na mas sexy at revealing ang suot niya kesa nung nakarang taon na marami ang nadismaya sa manang na manang niyang suot.

BOOM: Natawa na lang si Dennis Trillo sa lumabas na intrigang break na sila ni Bianca King.

“Hindi totoo ’yun,” pakli nito nang nakatsikahan namin sa presscon sa kanya sa Ang Katiwala na entry nito sa nalalapit na Cinemalaya Independent Film Festival.

Nasa Canada si Bianca para dalawin ang pamilya niya at okay sila na wala naman silang pinag-awayan.

Sisikapin nga ni Bianca na makabalik dito bago mag-Cinemalaya para makadalo siya sa gala night nito sa July 25 na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Main Theater.

ANG KATIWALA

BIANCA

BIANCA KING

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES MAIN THEATER

DENNIS TRILLO

DOLPHY

HERITAGE MEMORIAL PARK

KAPUSO

NASA CANADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with