Suspensiyon ni Roderick natabunan ni Dolphy
Seen : Ang breaking news ng GMA 7 noong Miyerkules tungkol sa pagdadala sa labi ni Dolphy sa Dolphy Theater, Quezon City.
Hindi binanggit ng GMA News anchor ang pangalan ng rival station ng Kapuso Network.
Scene : May dapat ipagpasalamat si Quezon City Councilor Roderick Paulate kay Dolphy dahil natabunan ng mga balita tungkol sa pagkamatay nito ang suspension for six months without pay na ipinataw ng Ombudsman dahil sa bintang na may mga ghost employee sa payroll ng kanyang opisina.
Seen : Hindi nag-taping si Roderick Paulate sa Tweets for My Sweet noong Martes, ang araw na lumabas ang balita na suspended siya ng Ombudsman.
SCENE : Inilipat kahapon ng madaling-araw sa chapel ng Heritage Park ang labi ni Dolphy mula sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Maagang nagpunta sa Heritage Park ang fans ni Dolphy para sa 8:00 a.m. public viewing.
Seen : Bawal sa public viewing sa labi ni Dolphy ang mga video at cell phone camera.
Scene : Ang request ni Ronnie Quizon na magsuot ng puting damit at ngumiti ang mga makikiramay sa kanilang pamilya bilang paggunita sa kanyang ama.
Seen : Naging visible sa TV ang inactive co-stars ni Dolphy dahil sa mga interview sa kanila tungkol sa mga personal experiences nila sa Comedy King noong nabubuhay pa ito. May mga personalidad na ayaw magpaawat sa pagsasalita dahil sinasamantala nila ang pagkakataon upang muli silang maalaala ng mga tao.
Scene : Well-organized ang necrological services na inihanda ng ABS-CBN management kay Dolphy na itinuturing na isa sa mga haligi ng Kapamilya Network.
Live na napanood sa ANC noong Miyerkules ang necrological services.
- Latest