^

PSN Showbiz

Jake at Bea tengga muna, fans nag-aalala na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Worried ang fans nina Jake Vargas at Bea Binene dahil natapos na ang Alice Bungisngis and Her Wonder Walis pero wala pa silang next project. Sabi ko maging mapasensiya sila dahil lahat naman ng project ay pinag-iisipang mabuti ng GMA 7.

At huwag silang magtatampo kung sa susunod ay hindi magkasama ang dalawa. Alam ng GMA kung paano aalagaan ang mga artista nila. It’s for their own good na ang mga artista nila ay ipinapareha nila sa iba, para hindi agad pagsawaan ng fans.

Payo sa mga artistang nagsisilipat

Sana naman ’yung mga artistang lumilipat ay hindi na nagsasalita ng hindi maganda sa mga network o kumpanyang iniwan nila. I have noticed na marami sa mga lumilipat na artista ay saka lamang nagsasabi ng kanilang sama ng loob sa iniwan nilang kumpanya, kapag wala na sila. May reklamo pala sila bakit hindi nila sinabi sa mga mukha ng mga bossing nila? Baka naiwasan pa ang samaan ng loob.

Tama lang na kapag hindi ka kuntento, mag-move on ka. Pero hindi mo ba puwedeng gawin ang paglilpat na wala kang sinasabing masama sa iniwan mo? After all, kung hindi dahil sa pera ay hindi ka naman aalis. At wala akong problema sa mga umaalis ng dahil sa pera. Ang problema ko ay ’yung umaalis pagkatapos tratuhing maganda at namimintas pa. Sa kanila ako may problema.

GMA hindi pa nalulugi para ibenta

Palagi na lamang may lumalabas na balita na nagkabilihan na ang GMA at TV5 na palagi naman itong itinatanggi ng una. At ako ay naniniwala na kung magkakaroon man ito ng kaganapan, hindi pa ngayon. Hindi ako naniniwalang ipagbibili ng mga kasalukuyang namamahala ng aming network ang GMA, eh gaya nga ng claim namin we’re number one, there is no reason to sell. Mga naluluging kumpanya lamang ang ibinebenta.

Ang masasabi ko, wait na lang tayo sa kahahantungan ng mga balitang ito. Basta ako naniniwalang maipagdiriwang ko ang aking 50th anniversary nang hindi pa nagkakabentahan.

Sarah suwerte na kay Gerald

Hindi na isang palaisipan kung meron ngang ligawang nagaganap between Sarah Geronimo and Gerald Anderson. Mismong si Gerald na ang nagsabing ilang buwan na siyang nanliligaw sa singer at pumupunta siya sa bahay nito para gawin ang panunuyo. May blessing din ito ng mommy ni Sarah.

Ang suwerte naman ni Sarah. Kahit high-tech na tayo nakararanas pa rin siya ng isang old-fashioned courtship.

Maraming kabataan ang nagkakaintindihan na sa pa-text-text lamang. Dun lang malalaman na niya na seryoso sa kanya si Gerald. Pero bakit pinaghihintay pa niya ang aktor? Baka mawala pa ito sa kanya at magsisi siya. Kung may pag-asa naman si Gerald, bakit patatagalin pa niya? Sagutin na niya!

ALAM

ALICE BUNGISNGIS AND HER WONDER WALIS

BEA BINENE

GERALD ANDERSON

JAKE VARGAS

PERO

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with