Mother Ricky nagpa-victory party
MANILA, Philippines - Pinangunahan ngayong taong ito ni Mother Ricky Reyes ang matagumpay na Hair and Make-up Trends competition kamakailan sa Centris sa Quezon City. Naghandog siya ng victory party sa mga nanalo. Nagpa-litrato kasama ni Mother Ricky (nakatayo mula kaliwa) para sa souvenir ang mga champion at honorable mention na sina Carlos Briones, Cheche Pacificar, Louie Basila, Tonette Agustin, Benjie Galino, Bong Lontoc, Jayson Hisola, (front row) Vincent Serrano, Eduard Doblador, Stephanie Ilagan, at Ernesto Ogsila. Ang mga nanalo ay lalaban sa APHCA Hair Olympics 2012 sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre 23.
- Latest