Katie Holmes kinonsulta si Sandra Bullock bago hiniwalayan si Tom CruiseÂ
NEW YORK – Gusto na lang nina Tom Cruise at Katie Holmes na aregluhin ng palihim sa publiko ang kanilang diborsiyo.
Ito ang nabatid sa isang wire report na nagsabing, ayon sa TMZ.com, kasalukuyang nasa negosasyon ang nagkasiraang mag-asawa para sa visitation, child support at property settlement.
Nabatid pa sa isang hiwalay na ulat ng Metro magazine na kinonsulta pa muna ni Holmes ang kanyang kaibigan at kapwa Hollywood actress na si Sandra Bullock bago siya nagsampa ng kasong diborsiyo sa isang korte sa New York nitong huling mga linggo ng Hunyo.
Idinaing pa umano ni Holmes na tinatrato siyang robot o puppet ni Cruise. Kinokontrol umano ng aktor ang bawat galaw at desisyon ng misis nito.
Tumangging magbigay ng komentaryo ang mga abogado nina Holmes, 33, at Cruise, 50. Sinasabi rin ng mga impormante na iniiwasan ng dalawa na maisapubliko ang problema nilang mag-asawa sa korte.
Sinasabi ng abogado ni Holmes na nais ng kanyang kliyente na mapunta rito ang nag-iisang anak nila ni Cruise na si Suri na meron nang anim na taong gulang. Nagkaroon ng mga espekulasyon na nais ni Holmes na ilayo ang bata sa Church of Scientology na kinabibilangan ng Hollywood actor.
Ikinasal sina Cruise at Holmes noong 2006 at sinubaybayan ng mga celebrity watcher ang kanilangpagsasama hanggang sa magulat na lang ang kanilang mga fans sa biglang pakikipagdiborsiyo ng aktres dahil inaakala nilang matibay ang samahan ng dalawa.
Nabatid din na, bago niya isinampa ang diborsiyo, dumaing at kumonsulta si Holmes kay Bullock na dumaan na rin sa sarili nitong pakikipagdiborsiyo sa asawa nitong si Jesse James noong 2010.
Ayon sa mag, ipinasya ni Holmes na makipaghiwalay na kay Cruise dahil wala na siyang pag-asa rito. Napuno na rin siya nang mapabalita ang pagiging malapit ng kanyang asawa sa Oblivion co-star nito na si Olga Kurylenko, 32.
- Latest