^

PSN Showbiz

Hindi raw sa kanila galing ang presyo, P52.5 bilyon na bilihan itinanggi ng GMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Nag-react kahapon ang presidente ng GMA 7 tungkol sa panibagong isyung lumabas na mahigit P52.5 B ang final amount sa magiging bentahan ng Kapuso Network.

Ayon kasi sa istoryang lumabas kahapon, isang source na familiar sa discussions at isang source na close sa seller ang nagsabi tungkol sa nabanggit na 52.5 B.

Pero sabi nga ni Mr. Gozon sa statement : “we are not the source of the information,” adding that, “we have not signed anything with the supposed buyer.”

Magkaiba ang sinasabi ng kampo ng buyer and seller kaya naloloka na ang marami sa naglalabasang balita.

Kadalasan sa business sections luma­labas ang tungkol sa bentahan na ang karaniwang source daw siyempre ay ang mga nasa business circle, pero pagdating sa kampo ng seller (GMA 7), iba ang sagot nila.

Nakailang beses nang nangyayari na may lumabas sa business section pero mabilis ang denial ng GMA7.

Consistent sila sa pagsasabing wala pa talagang final negotiations bilang hindi pa sila nagkakasundo sa presyo.

Well pinaka-maigi sigurong gawin ay hintayin na lang natin kung ano ba talaga ang kahihinatnan ng kanilang mga pag-uusap – matutuloy ba ang bilihan o hindi?

Kasi pag ang kampo ng buyer ang kausap, convincing at may mga nagsasabi pang marami nang may alam tungkol sa bilihan at maging si Ms. Anette Gozon-Abrogar, anak ni Atty. Gozon, alam na ang tungkol sa bilihan at nagkukuwento na ito tungkol dito.

Pero ‘yun nga, matigas ang pagdi-deny ng kampo nila kaya wait na lang tayo hanggang matuloy ang bilihan nila.

Wala lang kasi talagang malaking isyu sa showbiz na puwedeng balita kaya atat na ang marami sakaling magkatuluyan ang bentahan.

Nauna nang napabalita na all-cash transaction ang magiging pagbili ni Mr. Manny Pangilinan sa GMA 7. “We’re looking at an all-cash transaction. The purchase is likely to exceed the threshold that will trigger a mandatory tender offer,” sabi ni Mr. Pangilinan sa isang interview ng business section ng Philippine Star.

Tatlong pamilya ang may-ari ng GMA 7 Duavit, Gozon, and Jimenez na kailangang makumbinsi ng kumpanyang MediaQuest ni Mr. Pangilinan.

Amalia Fuentes nagkukuripot sa mga abogado?

Walang ngang masyadong balita sa showbiz kaya malaking isyu rin ang gulo ng dating aktres na si Ms. Amalia Fuentes at ng dati niyang te­nant sa kanyang pag-aaring bahay. Kinasuhan na siya at kahapon ay balitang pinakitaan pa siya ng baril ng kampo ng kanyang nakaaway.

So ang dami na niyang kaso at kakasuhan?

Pero sa Public Attorney’s Office pa rin kaya siya kumukuha ng abogado?

Yup, hindi raw gumagastos ang aktres ng mga abogado niya.

Eh ang yaman nga naman ng aktres at hindi niya kailangang magkuripot sa kanyang mga abogado.

Kuwento lang naman ito ng ilang mga nakakaharap niya sa korte.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Ms. Fuentes.

Ms. Gay Rizal 2012 pinabongga

Very proud si Kumareng Andeng Ynares sa kinalabasan ng Ms. Gay Rizal 2012 kamakailan.

Nakita niya ang galing ng mga magaganda at proud na gay sa mga bayan ng Rizal.

Kinoronahan as Miss Gay Rizal 2012 ay si Joridel Mercado ng Taytay. Ang iba pang nanalo ay sina Kristine Madrigal (Antipolo), second runner-up; Lesly Anne Vidal (Taytay), Ms. DTI; Paris Antonio (Binangonan), Ms. Gay Tourism; and Phipa Villarojas (Jalajala), first runner-up.

Nagdagdag ng glamour sa gabi ng beauty and pageantry ang mga miyembro ng panel of judges na sina James Blanco and Nikki Valdez, successful fashion designer Paul Cabral, Rep. Joel Duavit ng first district of Rizal, and Precy Ejercito, wife of Senator Jinggoy Estrada. Ang Kapuso aktor naman na si Alden Richards ang nagpakilig sa mga kandidatang nagagandahan at si Ms. Marissa Andaya ang nagbigay ng award.

Ang mag-asawang Gov. Jun Ynares III and wife Andrea ang major sponsor ng project sa pamamagitan ng Gays of Rizal Association (GORA) ng pageant bilang suporta sa gender sensitivity at respeto sa karapatan ng mga miyembro ng third sex.

Ay ipinagmamalaki nga pala ni Mareng Andeng na kamakailan ay pinara­ngalan din ang kanyang asawang gobernador ng University of the Philippines Alumni Achievement Award for Local Government Service.

ALDEN RICHARDS

AMALIA FUENTES

ANDENG YNARES

ANETTE GOZON-ABROGAR

ANG KAPUSO

GOZON

MR. PANGILINAN

MS. GAY RIZAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with