^

PSN Showbiz

Jolina isinugod sa ER ng ospital

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Hindi na nakapag-perform sa Party Pilipinas kahapon si Jolina Magdangal. Isinugod ito sa emergency room ng St. Luke’s Medical Center Quezon City dahil natapilok pababa ng backstage after mag-rehearse for her number.

Wala pa kaming update habang nagde-deadline, hindi pa namin alam kung ano ang kalagayan ng singer-actress. Agad sumugod sa ospital ang asawa nitong si Mark Escueta nang malaman ang nangyari kay Jolina.

Alma umatras na sa ambisyong mag-senador

Kaswal na nabanggit ni Para?aque First District Congressman Edwin Olivarez na umatras na sa pagtakbong senador si Alma Moreno. Pagkatapos daw ng family consultation nito, napagdesisyunan na tapusin na lang nito ang termino at muling tumakbong konsehal lalo’t last term na niya.

Kahit ayaw nina Mark Anthony Fernandez, Vandolph, at WynWyn Marquez na tumakbong senador si Alma, susuportahan nila ang ina dahil alam nilang gusto nitong mas makatulong at alam nilang masaya sa desisyon.

Sa pagbabago ng isip ni Alma, makakaiwas sa pag-ikot sa buong bansa ang magkakapatid para tulungang ikampanya ang ina dahil sa pagka-konsehal na lang uli ito tatakbo sa 2013 elections.

ALMA MORENO

EDWIN OLIVAREZ

FIRST DISTRICT CONGRESSMAN

ISINUGOD

JOLINA MAGDANGAL

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MARK ESCUETA

MEDICAL CENTER QUEZON CITY

PARTY PILIPINAS

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with