^

PSN Showbiz

Jodi mag-iingat na sa lalaki

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Ayon kay Jodi Sta. Maria, nagbunga rin ang ma­tiyaga nitong paghihintay para mabigyan ng ma­gagan­dang project ng ABS-CBN gaya ng Be Careful With My Heart.

Puring-puri nga ang aktres ng kaparehong si Richard Yap na kilalang-kilala bilang si Papa Chen. Para sa kanya, intelihenteng babae si Jodi at masarap katrabaho.

‘‘First time kong makagawa ng proyekto na hindi heavy drama. Light drama ito. Habang nanonood ang mga tao ay nakangiti sila sa ganda ng istorya,’’ sabi ni Jodi.

Hindi rin nakaiwas sa personal na tanong si Jodi na next time sa pagpili ng bagong mamahalin ay magiging maingat na siya at sasabihan ang lalaking mamahalin ng ‘‘be careful with my heart.’’

Mapapanood ang teleseryeng ito simula sa Lunes (Hulyo 9) sa Prime Tanghali ng ABS-CBN bago ang programang It’s Showtime.

Kim nahihiyang gumawa ng mali dahil kay Gov. Vi

Inamin ni Kim Chiu na sobrang bait ni Gov. Vilma Santos kaya nahihiya siya ritong lumapit noong una. Magkasama ang dalawa sa The Healing ng Star Cinema. Proud si Kim dahil siya ang personal choice ni Vi para makasama sa said movie.

Sa kabilang banda, puring-puri rin siya ni Vi dahil marunong siyang humawak ng pera at magaling ding artista.

Sa direksiyon ni Chito Roño, ipalalabas ang The Healing ngayong Hulyo.

BE CAREFUL WITH MY HEART

CHITO RO

HULYO

JODI

JODI STA

KIM CHIU

PAPA CHEN

PRIME TANGHALI

RICHARD YAP

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with