Albie hindi welcome sa birthday ng anak ni Andi
Manila, Philippines - Tama lang na hindi imbitahin ni Andi Eigenman si Albie Casiño sa first birthday ng kanyang anak na si Elle (Adrianna Gabrielle Eigenman).
Hindi pa naman nito ina-aknowledge ang pagiging ama niya sa bata na ayon kay Andi ay lumalaking nakuha ang ilong at mata ng kanyang ama.
“I think hindi naman ganun kakapal ang mukha niya para gustuhing ma-gatecrash sa birthday ng anak ko.
Hindi ma-a-appreciate ng mga iimbitahin ko na ang karamihan ay miyembro ng pamilya at mga kaibigan ko ang presence niya,” sabi ng batang ina na mapapanood sa isang bagong serye ng Dos, ang Kahit Puso’y Masugatan kasama ang bagong Kapamilyang sina Iza Calzado, Gabby Concepcion Jake Cuenca at ang ina niyang si Jacklyn Jose.
Sinabi niyang bagaman at batid niya ang estado ng kanyang ina bilang isang artista hindi siya natatakot o intimidated na makasama ito sa isang proyekto.
Coco biglang naging bar tender
For a while, mga siyam na linggo kung tutuusin, ay mawawala ang atensiyon ng mga manonood ng phenomenal series na Walang Hanggan ng ABS-CBN sa problema ng mag-inang Emily (Dawn Zulueta) at Daniel (Coco Martin) na nag-a-adjust pa sa biglang pagbabago ng kanilang kabuhayan dahil nanakaw ang kanilang yaman in broad daylight o sa mas maiintindihang salita ay nawala nang nakaharap sila at ‘di nila namamalayan.
Ang dating mayamang mag-ina ay namamasukan na lamang ngayon bilang isang bartender at assistant manager ng isang restoran na malayo man sa matagal na kinagisnan nilang mataas na estado sa lipunan ay nagbibigay naman sa kanila ng magandang pagkakataon na makakain ng tatlong beses maghapon kasama si Lola Henya (Susan Roces) at ilang matatapat na tao sa kanilang na-bankrupt na kumpanya.
Pero sa susunod na linggo ay papasok na ang character ni Black Lily na gagampanan ni Eula Valdez. Hindi ipinaglilihim ng mga taong nasa likod ng serye na isa itong kontrabida, pero kanino, kay Emily ba o kay Daniel? Isang malaking sikreto ito ng serye na mabibilad lamang sa siyam na linggong itatagal ni Black Lily sa kuwento.
Bagaman at walang kinalaman ang matagumpay niyang pagkakaganap ng role dati ni Amor Powers sa isa pa ring matagumpay na serye ng Kapamilya Network, ang pagiging isang mahusay na aktres ni Eula at ang makatotohanang pagganap niya ng role na kontrabida ay hindi nakaligtas sa pansin ng mga bossing ng Dos.
Kaya kahit hindi pa man siya nakakahinga ng husto sa pagtatapos ng kanyang seryeng Mundo Man
Ay Magunaw ay kinuha na agad siya para gampanan si Black Lily.
Kahit huli na siyang pumasok sa Walang Hanggan, ipinangako ni Eula na hindi siya papayag na hindi maramdaman ng manonood ang kanyang presence.
- Latest