Listahan ng magaganda hindi na credible?!
Ewan ko ba kung bakit pinoproblema ng marami ang hindi nila pagkakasali sa listahang pinakamagaganda. Sinasabing beauty is in the eyes of the beholder. Ang maganda sa ilan ay baka hindi maganda sa marami, and vice versa.
Kung hindi maganda ang isang artista, tanggapin na lang niya ang katotohanan. O baka naman maganda siya pero marami ang mas maganda sa kanya kaya dapat din niyang tanggapin ito.
‘Yan namang survey ay hindi 100% accurate, depende ‘yan sa mga nagsasagawa ng survey. Kung base naman sa text votes, lalo kayong hindi dapat magtiwala dahil namamayani din diyan ang pera.
Kung sino ang mas maraming pera, siya ang makakapagpadala ng maraming text o mas makakabili ng mas maraming sim.
Hindi rin sigurado kahit may panel of judges dahil naiimpluwensiyahan din ang mga tumatayong hurado, kung hindi napapakiusapan ay napupulitika naman.
Kaya kayong magaganda, makuntento na lang kayo na maganda kayo, may salamin naman kayo na makakapagpatunay nito.
Nasa listahan man kayo ng magaganda o hindi.
Show ni Jinkee kailangan ng bagong konsepto
Sa umaga pala ilalagay ng GMA ang Love.Life show ni Jinkee Pacquiao na magsisimulang mag-taping pagbabalik niya galing Europe na kung saan ay nagbakasyon sila ng mga anak niya.
Ngayon pa lamang ay excited na ang mga fans ni Manny Pacquiao sa kahihinatnan ng programa ng misis nito. Ano kayang paghahanda ang ginagawa ni Jinkee para maging karapat-dapat na mag-host ng isang TV show. Sana nga ay makumbinasyunan niya ng magandang paghu-host ang kanyang napakagandang personalidad. Kailangan din niya ng isang creative team na makakaisip ng magagandang ideya na mapag-uusapan nila ng kanyang mga guest.
Hindi naman puwedeng puro sarili lang nila ang pag-usapan nila sa show. Dapat may bago namang konsepto.
Aiza nagpa-belo bago nag-bikini
Aiza Seguerra will always remain to be a most talented child star sa aking paningin. Maraming katulad niyang nagsimula ng pag-aartista sa kanilang kabataan ang naka-graduate na from being a child to adult status, at successful ha! Isa na marahil siya sa maituturing kong may pinakamagandang boses sa ating mga singers. Hindi ako magsasawang pakinggan siya ng buong araw. Ang galing din niyang maggitara. Napakagandang kumbinasyon ng isang musikero ang pagkakaroon ng magandang boses at pagiging maalam sa gitara. Pero ang talagang hinahangaan ko sa kanya ay ang pagiging versatile niya. Bukod sa kanyang musical talent, magaling din siyang umarte. Tumanggap na siya ng best actress award nung bata siya.
Ngayon nga ay ipapamalas niya ang kanyang acting sa isang serye ng ABS-CBN-Please Be Careful With My Heart kung saan gaganap siya ng mother role. Pero, ang the height ng kanyang versatility ay nakita ko siya sa Rock of Ages stage musical na bukod sa pagkanta ay pumayag siyang mag-tangga, ‘yung parang one piece bathing suit habang kumakanta siya.
Palakpakan talaga ang manonood sa kanya. Inamin niya na bago siya napapayag mag-tangga ay nagpatulong muna siya kay Dra Vicki Belo para magkaro’n siya ng magandang hugis at kutis.
- Latest