^

PSN Showbiz

Raymart tumalilis nang tanungin tungkol kina Tulfo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Malaki ang pasasalamat ng bida ng Kasalanan Bang Ibigin Ka? na sina Jackie Rice at Jennica Garcia sa GMA 7 dahil sa patuloy na pagbigay sa kanila ng trabaho, nakapagpundar na sila para sa kanilang kinabukasan.

Proud si Jennica na ikinuwento sa aming malapit na niyang matapos bayaran ang kotse niya at nakapag-down na siya sa isang condo unit sa Makati City. Pinaghahandaan na niya ang mamuhay nang mag-isa pero parang hindi pa niya maisip na mapawalay na siya sa mommy at sa kanyang kapatid.

Si Jackie naman ay bayad na ang bahay niya at siya na ang nagpapa-aral sa mga pamangkin niya. Pero balak niyang mag-ampon ng baby, kaya lang ayaw daw siyang payagan ng daddy niya.

Maganda naman ang feedback sa kanilang afternoon drama kaya baka ma-extend pa ito.

PAK: Mabilis na umalis si Raymart Santiago pagkatapos ng story conference ng Luna Blanca nung nakaraang Martes. Tahimik na ito ngayon at iniiwasan na niyang pag-usapan ang tungkol sa kaso sa Tulfo brothers dahil nasa piskalya pa ito at hindi pa dinidinig pa kung may basehan itong iakyat sa korte.

Inaabangan siya ng reporters haggang sa matapos ang storycon pero tumalilis na ito at tumangging sagutin ang mga tanong.

Pinagbabawalan pa rin kasi si Claudine Barretto ng abogado nila na magsalita, na kung sakali ay si Raymart lang ang puwedeng magsalita. Pero ayaw na ring magsalita ng aktor.           

Hintayin na lang daw ang resolution ng Prosecutor’s Office ng Pasay City bago siya magsalita uli.

Kasali pa rin si Raymart sa pangalawang yugto ng Luna Blanca na gagampanan na nina Barbie Forteza at Bea Binene.

BOOM: Binati ni Iza Calzado sa kanyang Twitter account ang ex-boyfriend niyang si Atticus King na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon. 

Kahapon din ang press conference ni Iza sa kanyang bagong teleserye bilang bagong Kapamilya talent na Kahit ang Puso’y Masugatan. Hindi naman niya itinangging binati niya ito dahil magkaibigan pa rin sila.

Mahigit isang taon na silang break pero na-maintain naman ang friendship. Tinanong namin ito kung malaki ba ang posibilidad na pagbabalikan.

“Hindi natin masasabi. Wala namang makapag­sabi kung ano ang kahahantungan natin pero sa ngayon talaga gusto ko work muna talaga. Work lang nang work,” sagot ng magaling na aktres.

Hindi rin maitatanggi ni Iza na ang break-up nila ni Atticus ang maituturing niyang nasugatan ng grabe ang kanyang puso.

Excited si Iza sa kauna-unahang drama series niya sa ABS-CBN, kaya may pressure, pero mas lamang ang excitement na nararamdaman niya lalo na’t magsisimula na ito sa Lunes, July 9 pagkatapos ng Lorenzo’s Time.                                                            

ATTICUS KING

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

IZA

IZA CALZADO

JACKIE RICE

LUNA BLANCA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with