^

PSN Showbiz

Walang nakitang basehan na inabandona ang pamilya at may ibang babae ang komedyante, demanda ng asawa ni Jose Manalo ibinasura na ng korte

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Halos magkasabay na dumating sa press conference ng YES! 100 Most Beautiful Stars sina Lovi Poe at Jake Cuenca.

Ibinuko pa ni Erich Gonzales na kasama ni Jake na kaya na-late sila nang dating ay dahil may hinintay pa ang kapareha niya, at si Lovi ang napagdudahan ng lahat.

Pero ang sabi ni Lovi ay friends lang sila.

“Now kasi we that’s not what I’m focusing eh. Even him naman, parang we’re both busy. We have our own things to do, kaya wala pa sa isip namin,” sabi ng aktres.

Sa ngayon ay ayaw munang ma-in love ni Lovi at sa sarili lang muna siya naka-focus.

Tinukso rin sina Carl Guevarra at Kris Bernal doon pa rin sa presscon ng YES! dahil open naman si Carl sa pagsasabing nililigawan niya si Kris.

Pero sa ngayon ay ayaw munang mag-commit ng young actress dahil mas gusto niyang mag-focus din sa trabaho at sa kanyang pamilya.

“Sa ngayon hindi ko masabi kasi ayokong pumasok sa isang relas­yon na hindi ko sigurado. Ayokong pumasok sa isang relasyon na dun na lang mapunta ang atensiyon ko dahil sa ngayon talaga ang focus ko po family and work. So ’yung love life, sabi ko nga kay Lord, darating din ’yun. ‘Bahala na lang po Kayo, Lord kung siya eh di siya.’ Pero tingnan muna natin kasi ilang weeks pa lang eh,” pahayag naman ni Kris.

PAK: Nakakapagtaka bakit nagsalita na sina KC Montero at Rhian Ramos tungkol sa kanilang relasyon gayung matagal na itong pinag-uusapan pero tahimik lang silang dalawa.

Sana hindi ito hinayaan ng GMA Artist Center dahil knowing Mo Twister, maaaring mag-ingay na naman ang ex-boyfriend ni Rhian dahil may koneksiyon siya sa dalawa.

Mas mabuting manahimik na lang sana si Rhian dahil hindi naman ito nakakatulong sa kanyang pag-move on.

BOOM: Noong June 22 pa pala ibinaba ng San Juan Prosecutor’s Office ang resolution ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Anna Lyn Manalo laban sa kanyang asawang si Jose Manalo.

Ibinasura ito ng piskalya dahil wala silang nakitang basehan na na-violate ni Jose ang Rep. Act 9262 o inabandona nito ang kanyang pamilya.

Wala rin silang sapat na ebidensiyang may ibang karelasyon si Jose.

Bahagi ng press statement na inilabas ng legal counsel ni Jose:

“Pinaniwalaan ng nag-imbestigang piskal ang posisyon ni Jose, na suportado ng kaukulang ebidensya, na hindi inabandona ni Jose and kanyang pamilya at patuloy niya itong pinangangalagaan.

“Ang mas mahalaga pa rito, natagpuan din ng nag-Imbestigang pis­kal na walang sapat na katibayan na ipinakita si Anna Lyn upang patunayan ang kanyang mga paratang na si Jose ay may ibang kinakasama. Sa kadahilanang ito, tinuring ng nag-imbestigang piskal ang mga parantang ni Anna Lyn para sa kung ano ito talaga—mga walang basehang paratang lamang.”

  

vuukle comment

ANNA LYN

ANNA LYN MANALO

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

ARTIST CENTER

CARL GUEVARRA

DAHIL

ERICH GONZALES

LOVI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with