^

PSN Showbiz

Nakarelasyong transgender ni Martin Escudero lumantad!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Sina Kylie Padilla at Bea Binene ang guests sa unveiling ng 2012 Most Beautiful issue ng YES Magazine sa Richmonde Hotel Eastwood noong Lunes.

Mistulang mga guro sina Kylie at Bea sa kanilang mga suot na blazer.

SCENE: Bea “Benign” ang pakilala ni Sam YG kay Bea Binene. Si Sam ang host ng YES event at hindi siya magaling dahil hindi niya kilala ang mga bisitang artista.

SEEN: Ang kanyang buntot at kabibe ang walang kakuwenta-kuwentang sagot ni Alice Dixson nang tanungin siya tungkol sa best part ng kanyang katawan.

Na-time warp si Alice sa role na ginampanan niya sa pelikula noong 1988.

SCENE: Turn off ang mga bisita sa pa-intellectual projection ni Bela Padilla. Kinabuwisitan ang kanyang drama na hindi maganda ang tingin niya sa sarili kaya nagtataka siya dahil kasali siya sa Most Beautiful List ng YES sa pangalawang pagkakataon.

SEEN: Kasali sina Jose Manalo at Wally Bayola sa host category ng Most Beautiful List.

SCENE: Patuloy ang blood transfusion at dialysis kay Dolphy sa Makati Medical Center.

SEEN: May denial si Martin Escudero sa claim ni Jerrich Divinagracia na nagkaroon sila ng relasyon pero parang may nakilala raw siya na ganoon ang pangalan.

Si Jerrich ang transgender na sumali sa audition ng Protégé, ang talent search prog­ram ng GMA 7.

SCENE: Kailangan ni Jerrich Divinagracia na magpakita ng mga pruweba upang paniwalaan ng mga tao ang kanyang claim na naging boyfriend niya si Martin Escudero.

ALICE DIXSON

BEA

BEA BINENE

BELA PADILLA

JERRICH DIVINAGRACIA

JOSE MANALO

KYLIE PADILLA

MARTIN ESCUDERO

MOST BEAUTIFUL LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with