^

PSN Showbiz

In.Person.Nation ni Jon ibabalik

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sold out ang apat na gabing Jon Santos: In.Person.Nation ni Jon Santos sa Teatrino, Greenhills nung isang buwan lang, mabilis ang malaking demand na ibalik sa stage ang show ng master impersonator!

Pinagbigyan naman ng producers at extended na nga ang In.Person.Nation ng tatlong gabi pa – July 13, 20, at 28 — sa Teatrino na paboritong venue ni Jon.

Sa direksiyon nina Chari Arespacochaga at Johann dela Fuente, ibabalik ang creative team sa likod ng stand-up comedy act na kabilang mismo si Jon sa pagsusulat ng katatawanan ng showbiz and political personalities nina Enrico Santos at Joel Mercado. Kasama pa rin sa repeat ang paboritong special guest sa show, ang The Whiplash.

Abangan sina Miss Dioning Sapakyaw, the queen of GenSan; Ate Vi, the queen of Batangas; Armida Siguion Macareyna, the queen of OPM; Miriam Defensive, the queen of the Senate; Krissy Anino, the queen of all media; Miss Lady Gaga, the queen of music; Shamcey, the queen of beauty; and Vicky Below, the queen of “pagpapabyuti.”

Nag-level up din ang Jon Santos: In.Person.Nation mula sa Love in 3D (Three Divas) hanggang sa Life in 4S. Ang mga “S” ay Scarborough, Supreme Court sessions, Showbiz scandals, at pati na si Sanchez, Jessica! Kaya bawat gabi ay 4S din — star-studded, spooftacular, satirical, at sosyal!

Ang show ay hatid ng Gran Obra, Inc. at line produced ni Ambie P. Burac. Katulong ng production ang PLDT, Flawless, Zonta Club ng Mandaluyong at San Juan, Security Bank, Frontline Asia Group, Philippine International Association of Travel Agents (PIATA), at sina Precy Florentino at Malu Lanto ng Music Museum Theater, Inc.

AMBIE P

ARMIDA SIGUION MACAREYNA

ATE VI

CHARI ARESPACOCHAGA

ENRICO SANTOS

FRONTLINE ASIA GROUP

GRAN OBRA

JOEL MERCADO

JON SANTOS

QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with