^

PSN Showbiz

Aljur at Rachelle Ann nagkadebelopan sa New York

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

May napansin kami sa Party Pilipinas last Sunday kung saan pinagsama ang new couple at ex-couple. Kita kung paano kiligin sina Rhian Ramos at KC Montero sa kanilang number, all smiles ang dalawa, nagkamali tuloy si Rhian sa pagkanta.

May tweet si KC sa number nila, sabi nito, “Sobrang palpak ako…I got lost in her eyes serious…but it was fun.”

On the other hand, sobrang seryoso naman ang mag-ex na sina Jay Perillo at Kris Bernal, walang kislap sa kanilang mga mata at parang nagkakailangan pa. Hindi naman siguro pinagbabawalan ni Gretchen Espina si Jay na maging close kay Kris.

May tsika pang nagkakamabutihan sina Aljur Abrenica at Rachelle Ann Go mula nang magkasama sa New York.

Fans ni Angel tinabangan kay Phil

Close fight pala ang nangyari kina Sam Pinto at Angel Locsin sa FHM 100 Sexiest Women at ang tsika, 1,000,000 votes lang ang lamang ng una sa huli. Nakakuha ng 1,249,189 votes si Sam, sa 16.9 million total votes na pumasok.

Bukod sa mas masipag bomoto ang supporters ni Sam, inamin nitong nangam­panya siya at may nagpapalagay ding may kinalaman ang pag-amin ni Phil Younghusband na sila na ni Angel mula pa noong May 27, para tabangan ang male fans ni Angel na siya’y iboto.

Sabi ng taga-FHM na nakausap namin, sure na ang pagdalo ni Sam sa victory party sa July 12 sa Halls B & C ng World Trade Center, Pasay City at rarampa ito gaya nang ginawa last year, kung saan siya rin ang nanalo.

Second year na itong pananalo ni Sam bilang sexiest woman ng FHM. Sana matulungan na siyang sumipa ng husto ang kanyang career. Sayang ang opportunities na dumarating kundi magagamit.

Sigurado ring rarampa sa FHM party si Jackie Rice na happy sa se­venth place na nakuha niya, two slots up sa ninth place niya last year. Pasasalamat daw niya ito sa kanyang supporters na walang sawang bomoboto sa kanya, kasama rito ang non-showbiz boyfriend na No. 1 fan niya.

Hindi pa alam ni Jackie kung ano ang isusuot sa July 12, basta something sexy at babagay sa okasyon. Madya-judge ng audience kung sexy o payat ang aktres sa timbang niyang 99 lbs. na dala ng boxing at iba pang activities. Kumakain daw siya at nagti-take ng vitamins, malakas kumain ng kanin lalo na ’pag may taping, at wala siyang sakit kaya walang dapat ipag-alala ang fans niya.

Natawa kami sa napuntahan ng sagot ni Jackie sa tanong ng sikreto nila ng kanyang BF dahil magti-three years na ang relasyon nila.

“We put God in our relationship. Magkasama kaming nagsisimba and it’s good na pareho ka­ming Catholic. Medyo magulo kasi ang dad ko atheist, at ang mom ko Born Again, pero never nila akong nasu-sway na gayahin sila,” sabi ng Kapuso actress.

Raymond at Ruffa puwede na sa isang talk show

Sa presscon ng re-launching ng Roof-A-Child Foundation at launching ng iloveruffag.com website ni Ruffa Gutierrez, tinanong si Raymond Gutierrez, host ng event kung kasama siya sa bagong show na papalit sa Showbiz Central?

“I have a contract with GMA 7. I think they have to give me something,” sagot ni Raymond.

Hindi binanggit ni Raymond na kasama siya sa bagong talk show at na-tweet pa nga nitong successful ang meeting niya with the GMA 7 bosses, kaya nagpapasalamat siya.

Sa August na eere ang bagong show. Tingnan natin kung tinanggap ni Regine Velasquez ang offer to be part of the new show at makasama ni Raymond at ang sabi, si Jennylyn Mercado raw.

Nabanggit pala ni Ruffa na she can work with Raymond dahil wala silang sibling rivalry at noong magkatapat pa ang kanilang shows, they supported each other, honest sila, at tsini-check ang isa’t isa.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

BORN AGAIN

GRETCHEN ESPINA

HALLS B

JACKIE RICE

JAY PERILLO

JENNYLYN MERCADO

KRIS BERNAL

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with