^

PSN Showbiz

Anne dineklarang pinakamaganda!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Si Anne Curtis ang Most Beautiful Celebrity ng Most Beautiful issue ng YES Magazine.

Kahapon ang unveiling ng Most Beautiful issue sa Richmonde Hotel, Eastwood Libis, Quezon City.

SCENE: Lihis ang pamagat ng second movie team up nina Lovi Poe at Jake Cuenca.

Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula ng rumored lovers.

SEEN: Hindi matanggap ni Mo Twister na ang kaibigan niya na si KC Montero ang ipinalit sa kanya ni Rhian Ramos.

Isa si Mo sa mga suspect sa mga nagpapadala ng pagbabanta kay KC.

SCENE: Hindi nagbunga ang matagal na pagsasama nina KC Montero at Geneva Cruz.

Walang dapat ipag-alala si Rhian Ramos.

SEEN: Ang balak ni Manila City Mayor Alfredo Lim na isa­pelikula uli ang kanyang life story.

 Sina Eddie Garcia, Ramon Revilla, Sr., at Rudy Fernandez ang mga gumanap na Alfredo Lim sa mga nakaraang film bio ng incumbent Manila City mayor.

SCENE: Isa sa mga top vacation site ng Vogue Magazine-UK edition ang Ariara beach resort sa Linapacan, Palawan.

Malaking tulong sa Philippine tourism industry ang pagkakapili ng Vogue UK sa Ariara.

SEEN: Iniiwasan ni Ara Mina na pag-usapan ang relasyon nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses pero madalas sila na nakikita na magkasama.

SCENE: Walang nagulat sa pag-amin nina Phil Younghusband at Angel Locsin na may relasyon na sila dahil matagal nang alam ng lahat na nagkakamabutihan silang dalawa.

                                                   

vuukle comment

ALFREDO LIM

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

ARA MINA

ARIARA

BULACAN MAYOR

EASTWOOD LIBIS

MOST BEAUTIFUL

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with