Chiz-Kris sa 2016?!, Heart ka-meeting lang ng senador, hindi ka-date
Hindi naman pala date kundi meeting lang ang dalawang beses na pagkikita nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.
Mismong ang senador ang nagsabi na hindi masasabing date ang pagkikita nila.
“I wish, pero ‘no. But yes, we saw each other twice,” sabi ni Sen. Chiz kay Kris Aquino nang sumalang ito bilang co-host sa KrisTV.
“Pero kapag 27 years old ka siguro ‘yun ang tawag doon going out on a date. Pero kung 42 years old ka, ang tawag doon ay meeting, nag-meeting lang kayo,” maliwanag na sabi ng senador bilang pagkontra sa insinuation ni Heart sa kanyang interview na nagkita nga sila ng senador kasama ang kambal nitong anak.
Annulled na si Sen. Chiz kaya puwede na sana siyang makipag-date pero sa kasalukuyan ay wala raw siyang dini-date.
Yup, inamin niya sa show ni Kris na annulled na sila ng ex wife na si Christine Flores na ang boyfriend ngayon ay ang dancer ng Maneuvers na hindi ko maalala ang pangalan.
At ayon sa senador, since hindi naman sila showbiz na mag-asawa, nag-usap silang hindi na palalakihin ang annulment nila kahit ang daming naglabasang speculations noon.
At least, hindi si Sen. Escudero katulad ng isang senador na ginawan ng press release ang hiwalayan nila ng kanyang asawa.
Ang nasabing senador pa ang nag-email ng official statement tungkol sa hiwalayan nila as if marami namang interesado.
Imbes na iilan lang ang nakakaalam, lumaki pa ang isyu na sangkot ang isa pang pulitiko.
Anyway, bakit hindi si Kris ang ligawan ni Sen. Chiz? Bagay sila bilang pareho silang single.
Baka rin puwede silang magtambal sa 2016 presidential elections – presidente si Chiz at bise si Kris.
Matagal nang may ganitong anggulo – Chiz-Kris.
Sarah kilig na kilig sa mga sinabi ni Gerald
Sa Sabado na ang unang gabi ng 24/SG concert ni Sarah Geronimo sa SmartAraneta Coliseum at inaabangan na kung darating ba si Gerald Anderson. Sinabi ni Gerald sa kanyang interview na hindi siya tumitigil sa panliligaw at may nagkukuwento na sila na talaga, pero may ilang isyu rin naman na naudlot daw ang relasyon nila.
Pero mas luminaw ang pag-asa nang magbigay ng birthday message si Gerald kay Sarah sa show nito last Sunday na Sarah G. Live.
“Yung nakikita n’yo sa stage sobrang kabaligtaran ‘yan. Off stage she’s very simple, sobrang humble and sobrang tahimik din.
“A beautiful person inside and out, mayroon siyang magic eh. Baby girl, happy birthday sa iyo. I wish you the best. More blessings para sa iyo. Thank you sa lahat ng oras, ng effort and time and thank you sa lahat ng tinuro mo rin sa akin. God bless, happy birthday,” mensahe ng aktor sa pop superstar.
Halata namang kilig na kilig si Sarah sa naging mensahe ng aktor.
Sa July 24 ang second night ng 24/SG na ayon kay Sarah ay pinaghandaan talaga ang nasabing concert at ginastusan ito ng Viva Concerts.
CNN napeke sa pagkamatay ni Gotye
Kilala n’yo ba si Gotye?
Hindi siya masyadong sikat sa Pilipinas pero may sikat siyang kanta sa kasalukuyan, ang Somebody That I Used To Know.
Isa siyang Belgian-Australian multi-instrumental musician and singer-songwriter ayon sa Wikipedia.
Anyway, nakasama sa programang CNN iReport na ang nasabing singer ay binaril ang sarili sa ulo gamit ang 9mm handgun.
Dagdag sa report :
“He was pronounced dead at 4:45AM, and the investigation concluded that the cause of death was suicide.
“It was confirmed shortly after by family and friends. He was quickly taken to the Central Montmorency Hospital, but died from his injuries shortly after.
“His family has stated that they plan a closed funeral.”
So nag-panic ang fans niya sa buong mundo.
Fake pala ang report na na-published at naipalabas dahil buhay na buhay ang singer. Nag-tweet pa siya ng : “I’m not dead” na may hashtag na #pinkalbumtitles.”
Pero grabe ano. Ang isang katulad ng CNN ay puwedeng mapeke ng isang report.
Ang concept ng iReport ay puwedeng mag-post ang kahit sino ng report nila at sasalain ng CNN ang puwedeng gamitin.
Obviously, nalusutan sila sa report tungkol sa singer na si Gotye.
- Latest