Tatlong housemates mag-aagawan sa BIG FOUR
MANILA, Philippines - Pasok na ang housemates na sina Karen, Myrtle, at Roy sa Big Four ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 na maglalaban-laban sa titulong Teen Big Winner sa BFF at the Big Night na gaganapin sa Hulyo 7 sa Malolos Sports and Convention Center.
Isinalba ng taumbayan sina Karen at Myrtle sa open public voting na ginanap nitong linggo habang awtomatiko namang bahagi na ng Big Four si Roy dahil sa pagwawagi sa Big Jump to the Big Night challenge ni Kuya.
Sa pagkaka-evict ni Alec kagabi na siyang nakakuha ng pinakamababang porsiyento ng mga boto mula sa publiko, sino kaya kina Joj, Jai, at Ryan ang huling teen housemate o housemates na makakasama nina Karen, Myrtle, at Roy sa BFF at the Big Night?
Abangan ang pagkukumpleto ng Big Four ngayong Lunes (Hulyo 2) sa PBB Teen Edition 4 kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng Lorenzo’s Time at pakatutukan ang huling linggo ng PBB Teen Edition 4 Uber 2012 kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo sa Kapamilya Gold.
- Latest