^

PSN Showbiz

Karylle ayaw magmarunong sa pamilya Quizon

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Kahit maituturing na close si Karylle sa Hari ng Komedya na si Dolphy dahilan sa relasyon dito ng kanyang ina, hindi ito nagmamarunong para magbigay ng update sa kondisyon ng komedyante.

At tama lang naman siya dahil baka magkamali pa siya ay masisisi pa siya ng pamilya ni Dolphy. Kung sa panig nito ay tanging si Eric Quizon lamang ang binigyan ng karapatan na magpalabas ng balita tungkol sa maysakit, sa kanya na rin lang nakikibalita si Karylle. Not unless dumalaw siya ng personal sa may sakit ay magkita rin sila dun ng ina. Pero just the same, anuman ang malaman niya, she keeps it to herself.

Anak nina Tom at Katie nadamay sa hindi pagkakaintindihan

Talaga rin sigurong nakalinya sa pakikipaghiwalay si Tom Cruise. Magdi-diborsiyo rin pala sila ng babaeng ipinalit niya kay Nicole Kidman na si Katie Holmes. Ang hindi nila pagkakaintindihan sa kanilang relihiyon ang itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay na si Katie ang humihingi ng pakikipaghiwalay. Pangatlong marriage na ito ni Tom.

’Yun ang mahirap sa isang bansa na pinapayagan ang diborsiyo. Kahit may pagkakataon pang magkaintindihan ang mag-asawa, hindi na sila nag­re-resort dito. Sa halip konting away lamang, paghihiwalay na agad ang naiisip. Kawawa ang mga anak na nadadamay. Si Katie ang humihiling ng kustodiya sa nag-iisa nilang anak ng aktor.

Azkals player na taga-bitbit ng bag ni Cristalle, nabawasan ng pagka-macho?

’Yang pagbibitbit ng mga lalaki ng gamit ng mga babae ay isa nang karaniwang tanawin. Paraan ito para maipadama nila ang kanilang pagka-maginoo.

Walang masama rito at walang da­pat ikahiya ang mga lalaking guma­gawa nito. Kahit pa ang pareha ay parehong sikat at mga celebrity.

Marami kasi ang pumupuna sa ginagawang pag-alalay ni Jason Sabio, isang sikat na Philippine Azkals player sa equally popular girlfriend niyang si Cristalle Henares, anak ng pamosong si Dr. Vicki Belo. Hindi ma-take ng fans ng player ang pagdadala nito ng bag ng dalaga. Parang ’di raw bagay sa kanyang katayuan.

Kayo naman, wala namang masama sa ginagawa ni Jason. Kaibigan naman niya ang ipinagdadala niya ng bag. Mas pangit tingnan ’yung prente siyang walang dala habang may mabigat na dalahin ang babae. ’Yun pa talagang mapi­pintasan siya.

Robin ayaw masangkot si Mariel sa gulo ng talk show

May karapatan din si Robin Padilla na i-pull out sa Paparazzi ang asawa niyang si Mariel Rodriguez dahil ayaw niyang masangkot ito sa mga kaguluhang nagaganap sa show.

Kahit nakakontrata ang asawa sa programa, puwede namang hindi siya sumama sa show, tulad ng ginawa ni Ruffa Gutierrez kapag may sapat silang dahilan para gawin to. Hindi naman sila pipilitin ng management at maiintindihan ang pagri-resign nila.

Ano kayang move ang ga­gawin ng TV5 management?

vuukle comment

AZKALS

CRISTALLE HENARES

DOLPHY

ERIC QUIZON

JASON SABIO

KAHIT

KARYLLE

KATIE

KATIE HOLMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with