Kris at Chiz permamenteng magsasama sa umaga!
MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng bonggang selebrasyon ng first anniversary ng Kapamilya morning show na Kris TV, ipakikilala ni Queen of All Media Kris Aquino ang kauna-unahan niyang guest co-host - si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.
Kung noon ay guest lamang siya sa first episode ng Kris TV, simula ngayong Lunes (Hulyo 2) ay makakasama na siya ni Kris sa pagbibigay saya, kaalaman, at ng makabuluhang karanasan sa TV viewers.
Tuklasin ang ‘magic’ nina Kris at Chiz sa buong buwan ng Hulyo sa sabay nilang pakikipag-bonding sa pinakamalalaking personalidad sa bansa, maging artista man, pulitiko, athletes, at iba pang kinagigiliwan ng publiko.
Tutukan ang unang Kris TV kasama si Chiz bilang guest co-host ngayong Lunes (July 2), 8:00 a.m., pagkatapos ng Umagang Kay Ganda sa UmaGanda block ng ABS-CBN.
- Latest