Icons at the Arena concert, ipalalabas sa ABS-CBN
MANILA, Philippines - Mapapanood na sa free TV ang makasaysayang Icons at the Arena: Masters of OPM na naganap kamakailan sa bagong bukas na SM Mall of Asia (MOA) Arena. Eere ito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ngayong Hulyo 1, 11:00 pm. Ang Icons at the Arena ay ang engrandeng one-night concert na nagtampok sa kauna-unahang pagsasama-sama ng pinakamalalaking pangalan sa Philippine music na ipinagdiwang ang natatanging husay ng mga Filipino singers at ng mismong Original Pilipino Music (OPM). Ipalalabas ang performances nina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jose Mari Chan, Basil Valdez, Freddie Aguilar, Christian Bautista, Erik Santos, Juris, Jed Madela, Piolo Pascual, Bamboo, Arnel Pineda, Dulce, Vernie Varga, Rachel Alejandro, at ng grupong The Company. Bahagi rin ng programa ang mga sikat na komedyanteng sina Pokwang, Jose Manalo, at Wally Bayola; at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Gerard Salonga. Host sina Jim Paredes at Pops Fernandez, samantalang si Johnny Manahan ang director, at si Ryan Cayabyab naman ang musical director.
- Latest