^

PSN Showbiz

Karylle taga-bili ng pagkain at panay ang remind na matulog si Zsa Zsa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Dumating si Karylle sa presscon ng Metro Magazine, kung saan siya ang cover sa July issue in a black Charina Sarte dress and Christian Louboutin shoes.  First time nitong mag-cover sa Beauty at issue pa, kaya happy at excited. Time na raw ng singer-actress na mag-cover sabi ng editor-in-chief.

“Ang tagal kong hinintay ito. Hindi nga ako agad naniwala nang sabihin sa aking magko-cover ako, ayaw kong mabitin. Baka panaginip lang but, one week before the shoot, saka lang ako nag-react at napa-“yes!”, kuwento ni Karylle.

Sa tanong if ready na siya for a sexy pictorial, sagot ni Karylle, ginawa na niya ito for Bench Body at rumampa na rin siya in Bench underwear, hindi lang shocking ang presentation at hindi pinalaki.

Ang next question kay Karylle ay kung anong suporta ang ibinibigay niya sa inang si Zsa Zsa Padilla ngayong nasa ospital pa rin si Dolphy?

“Sa news ako nakakabalita ng updates, nakakatuwa ang outpouring at ang overwhelming support. My mom has been staying in the hospital, it is also hard to see my sister very sad but, I’m just there for them, taga-bili ng food or remind them na matulog. Very difficult situation ang pinagdaraanan nila, and my mom is always at his side,” sagot ni Karylle.

Jason Sabio ng AZkals proud sa pagbibitbit ng bag ni Cristalle Henares

Bago matapos ang presscon ng Belo Medical Group para i-introduced na ang sabi ni Dra. Vicki Belo na newest baby nila ang Belofied App, dumating sa Annabel’s Restaurant ang BF ni Cristalle Henares na si Jason Sabio ng Azkals para sunduin ang dalaga.

Ang sweet ng dalawa at parehong nag-blush nang biruin ng press na nagiging magkamukha na sila. Pareho ring hindi nila sinagot ang tanong kung may wedding plans na sila at kung kailan sila pakakasal.

Bumilib pa ang press kay Jason dahil walang kiyemeng dinala ang bag ni Cristalle, hindi ba ang ibang guys, hate na hate dalhin ang bag ng GF? Pero si Jason, very comfortable sa pagdadala ng bag ng GF.

Aliw pala si Cristalle dahil sumingit sa presscon ng Belofied App at ipinakilala ang Beauty Deo ng Belo Essentials, a hypo allergenic and dermatologist-tested deodorant than whitens the skin in just seven days. Nababawasan din nito ang pores, prevents redness. Alcohol-free at hindi iitim ang underarms nang gagamit.

Victor Basa tanggap na reyna ng mga bakla ang dyowa, umamin ding ‘pumapatol’ sa bakla

Tingin pa lang, obvious na very much in-love si Victor Basa sa GF nitong si Divine Lee at pati kabaklaan ng dyowa, mahal nito. Tatlong Pasko na ang relasyon ng dalawa, live-in sila, pero wala pang balak pakasal and if ever magpapakasal, gusto ni Divine na naka-wedding dress din ang mga kaibigang bading.

Katuwiran nito, kahit sa kasal man lang niya, matupad ang dream ng mga beki friends niyang makapagsuot ng wedding gown. Hindi ito problema kay Victor, basta si Divine ang kanyang pakakasalan.

Babaing bakla ang tawag kay Divine, member din siya ng Ladlad kaya natawa si Victor sa biro ng press na pumapatol siya sa bakla. Hahaha!

Si Divine ang naka-front sa showbiz ngayon via Juicy at nag-i-enjoy ito at suwerte raw siya na mababait ang nakakasama at maraming nakikilalang mga artista at mga taga-showbiz.

May magandang kuwento si Divine tungkol kay Sarah Geronimo na hindi niya personal na kilala. Nanawagan siya sa Twitter na paratingin kay Sarah na may batang fan ito sa Childhaus na ang dream lang ay makakuha ng autographed picture nito. Nagulat na lang si Divine at mga taga-Childhaus nang dumating si Sarah at pinuntahan ang batang may sakit.

vuukle comment

BEAUTY DEO

BELO ESSENTIALS

BELO MEDICAL GROUP

BELOFIED APP

BENCH BODY

CRISTALLE HENARES

JASON SABIO

KARYLLE

VICTOR BASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with