^

PSN Showbiz

Zoren agad-agad nag-sorry kay Ruffa!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Hindi na nakapagtataka na hindi tanggapin ng ma­ganda ng TV5 at maging ng mga tao sa prog­rama na nakasama ni Ruffa Gutierrez ang pagre-resign niya.

Hindi rin nila tatanggapin ng maganda ang mga panlalait ni Ruffa sa show na tumagal siya maraming buwan bilang host. May mga magtatanong pa nga kung bakit hinayaan niya ang kanyang sarili na maging bahagi ng programa gayung marami siyang hindi ikinagugusto sa programa?

Ang pakiusap ko lang, tanggapin na lang nila ng mabuti ang ginawa nitong pag-alis at hayaan siya sa kanyang desisyon. Kung may nawalang isa, may makukuhang kapalit. Kesa naman mag-aaway-away pa sila gayung sa Paparazzi lang naman mawawala si Ruffa. May kontrata siya sa network na kailangan niyang matapos.                                  

Sabi nga ni Cristy Fermin na kasama ni Ruffa sa show : “Ang hangad ko ngayon, matapos marinig ang lahat ng panig, mula sa puso ko, sana lahat tayo ay sumulong na at kalimutan ito.”

So lahat tayo ay mag move on na. 

Bukod kay Cristy, balitang nauna nang nag-sorry si Mr. Fu na salarin sa bulungan at si Zoren Legazpi na isa sa mga sangkot sa bulong.

Dolphy walang nakasirang ex

Wala namang problema kung dumating man sa Makati Medical Center ang maraming babae na nakarelasyon ni Dolphy in the past. Binata naman ang Hari ng Komedya. Wala itong babaeng pinakasalan sa buhay niya. At marahil kaya sila pumunta ng ospital is to wish him well. Dahil kahit nakahiwalayan nila siya, hindi naman sila naghiwalay nang magkakaaway. Magkakaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

vuukle comment

BINATA

CRISTY FERMIN

DOLPHY

MAKATI MEDICAL CENTER

MR. FU

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

WALA

ZOREN LEGAZPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with