^

PSN Showbiz

Xyriel nangunguna sa 'Yahoo! OMG! Awards 2012'

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nangunguna ang Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat sa online voting ng Yahoo! OMG! Awards 2012  kung saan nominado siya sa kategoryang Child Star of the Year. Base sa huling datos ng nasabing website noong Hunyo 28 (Huwebes), 56% o lampas kalahati ng kabuuang online votes ang nakuha ni Xyriel.

Samantala, patuloy pa rin ang pangunguna ni Xyriel sa puso ng TV viewers sa kanyang Wansa­panataym special ngayong Sabado (Hunyo 30) kung saan gaganap siya bilang si Beauty, isang batang mahilig manglait sa panlabas na anyo ng ibang tao. Dahil sa kanyang masamang ugali, parurusahan si Beauty ng tadhana at biglang ang lahat ng panlalait na kanyang sasambitin ay malilipat sa kanya. Matutunan kaya niya na ang tunay na kagandahan ng isang tao ay wala sa pisikal na kaanyuan?

 Makakasama ni Xyriel sa Beauty is the Beast episode sina Dominic Ochoa, Andrea del Rosario, Marikit Morales, Dexie Daulat, Beverly Salviejo, at Arlene Tolibas. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Tots Sanchez-Mariscal.

Styler Perry naghahanap ng talent sa Youtube

Dadalaw ang Atlanta-based actor at director na si Styler Perry sa Tonight Show ni Jay Leno para ibigay ang top 10 winners mula sa contest na inilunsad sa YouTube ilang linggo na ang nakakaraan. Yes, ang Forbes highest paid man sa entertainment circle noong 2011 ay kasalukuyang naghahanap ng talents para sa walk-on-role para sa kanyang itatayong production. Kaya baka interesado kayo, siguraduhing panoorin ang programa ngayong, Biyernes sa TALKtv   Channel 16 sa Skycable, Channel 28 sa Destiny at Channel 21 sa Cignal at Channel 12 sa Cable Link.

Malay n’yo baka sakaling magka-interes kayong sumali.

Mapapanood din sa programa si Dr. Curt Connors ng The Amazing Spider-Man or Rhys Ifans sa totoong buhay para ibunyag ang kanyang karanasan sa kanyang role bilang mutant villain sa pinaka-latest na offering ng superhero film. Kasama rin ang band from England - alternative rock band Keane na magpe-perform ng single from their latest album Strangeland.

Ang Tonight Show with Jay Leno airs every Tuesday to Saturday 1:00-2:00 pm. same day replays at 12:00 midnight.

vuukle comment

AMAZING SPIDER-MAN

ANG TONIGHT SHOW

ARLENE TOLIBAS

BEVERLY SALVIEJO

CABLE LINK

CHILD STAR OF THE YEAR

CURT CONNORS

JAY LENO

STYLER PERRY

XYRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with