^

PSN Showbiz

Malunggay bagong wonder drug!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mga istoryang kakaiba ang tampok ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa GMA News TV program na Life And Style With Ricky Reyes.

Una’y ang gulay na Malunggay (morinaga olifeira) na ‘di lang panglahok sa sabaw, munggo at iba pang lutuin.  Wonder Drug din ang tawag dito ngayon dahil napatunayang nakagagamot ng mga sakit tulad ng diabetes, hight blood at anemia.

“Natuklasan ding ang gulay na ito’y nagagamit sa paggawa ng shampoo at conditioner. Kapag gumamit ka ng malunggay shampoo and conditioner ay lalago at kikintab ang buhok mo. Kaya sa mga Gandang RR Salon ay mabili ito. “Madalas pang nauubusan ng stock,” sabi ni Mader Ricky.

May gamit pa sa mga telang retaso kaya ‘di ito dapat ita­pon. Ang fasion designer na si Khai Nunag ang gumamit ng mga cloth swatches sa paggawa ng mga beautiful at chic na accessories na naibebenta maging sa ibang bansa.

Dahil ang buwan ng June ay tinatawag na Wedding Month, ipi-feature ang isang magara at magarbong kasal na tinaguriang wedding of the year na ang nagdisenyo at umayos ng lahat ng detalye ay si Kutchie Zaldariaga. Mahal man ang serbisyo ni KZ, angat naman sa iba ang kanyang kahenyuhan bilang wedding coordinator. Sa bagong segment na Feelingera ay matutupad ang hiling ng isang viewer na nag-post sa Facebook na pangarap niyang makita at makausap ang idolong si John Sweet Lapuz. ‘Di makapaniwala ang fan na sa pamamagitan ng LSWRR prodyus ng ScriptoVision ay ‘di lang niya nakausap kungdi nayakap pa ang one of a kind niyang hero.

vuukle comment

DAHIL

FACEBOOK

FEELINGERA

GANDANG

JOHN SWEET LAPUZ

KHAI NUNAG

KUTCHIE ZALDARIAGA

LIFE AND STYLE WITH RICKY REYES

MADER RICKY

WEDDING MONTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with