^

PSN Showbiz

Young actor na inihiwalay sa love team, babalik na lang sa pinanggalingang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Siguradong ikalulungkot ng husto ng fans ng si­kat na teen love team ang tuluyang paghihiwalay ng favorite pair nila. Ito ay kung matutuloy ang balak ng kampo ng young actor (YA) na ‘wag nang mag-re­new ng kontrata ‘pag nag-expire sa home network niya ngayon.

May offer daw ang dating network ni YA, kaya babalik na lang ito doon. Iniisip din ng kampo ni YA na pinababayaan ito ng network niya ngayon dahil matagal na walang regular show at ipinareha pa sa iba ang ka-love team.

Sabi noon ni YA, mag-aaral na muna siya habang wala pang bagong project sa kanyang home network, tila nabago ang plano nito dahil ipagpapatuloy pa rin ang showbiz career, pero sa ibang network.

Nanghihinayang kami kung papayagan ng network na mawala sa kanila si YA after silang maghirap at gumastos na pasikatin ito at ang ka-love team. Pero kung si YA na ang talagang ayaw, walang magagawa ang istasyon but to let him go!

Kanta Pilipinas naudlot dahil kay Christian

Nalaman namin sa presscon ni Christian Bautista ng The Way You Look at Me: The Christian Bautista 10th Anniversary Special, airing sa July 8, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN na siya ang kinukuha ng TV5 (at ni Marvin Agustin na rin siguro bilang ito ang line producer ng singing search) na mag-host ng Kanta Pilipinas.

Hindi natuloy ang paglipat ni Christian, kaya siguro naurong ang telecast ng Kanta Pilipinas dahil wala pang makuhang host.

Song of his life ang turing ni Christian sa The Way You Look at Me, kaya ito ang napiling title ng kanyang TV special. Bagay daw sa kanya ang lyrics ng song.

In-announce rin sa presscon ng TV special ni Christian ang five-night concert niya sa Meralco Theater sa October 6, 7, 12, 13 and 14 billed X-Class. Kung pamimiliin, gusto niyang guest sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sa international artists, sina Josh Groban, Mariah Carey, at Celine Dion.

Gagawin din nina Christian at Karylle ang ballet musical na Rama Hari sa CCP sa November at kung matutuloy, makakasama siya sa MMFF entry na El Presidente. In-offer kay Christian ang role ni Juan Luna.   

Angelu balik sa ‘pananakit’

Balik-kontrabida si Angelu de Leon sa Af­ternoon Prime ng GMA 7 na Hindi Ka Na Mag-iisa after maging mabait sa mga nakaraan niyang soap. Walang reklamo rito ang aktres, mas mabilis daw gawin ang kontrabida kesa bida role na kadalasang ginagawa’y umiyak. For a change, makakaiwas siya sa pananakit ng lalamunan.

 “Very bad” ang sabi ni Angelu sa role niya bilang si Jordana Montenegro, mother ni Saab Magalona na ang aapihin ay sina Glydel Mercado at Jennylyn Mercado. Acting na acting na ang aktres dahil one year nagpahinga’t nagsilang ng beautiful baby boy, named Rafa na four months old na.

Sa July 9, after Eat..Bulaga  ang pilot ng Hindi Ka Na Mag-iisa  sa direction ni Gil Tejada.

Aljur at Kylie Nagkaayos Na Naman

Nakita sa may Tomas Morato area noong isang hapon sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, hindi lang malinaw ang pagbabalita kung saang parte ng Morato naroon ang dalawa. 

Nag-uusap na pala ang dalawa dahil the last time na makausap namin si Kylie, nabanggit nitong hindi sila nag-uusap ni Aljur kahit nagkikita sila sa Party Pilipinas. Hindi napakinabangan ang relasyon nina Aljur at Kylie dahil hanggang mag-break, wala silang project together.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANGELU

ANNIVERSARY SPECIAL

CELINE DION

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

HINDI KA NA MAG

KANTA PILIPINAS

WAY YOU LOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with