Career ni Jessica tuloy na ang pag-arangkada!
MANILA, Philippines - Wow mukhang tuloy na ang pag-arangkada ng career ni Jessica Sanchez sa America.
Nag-start na siyang mag-recording ng kanyang album sa Interscope Records. Sa kanyang twitter account sinabi niyang nagre-record na siya ng album. “At the studio recording some amazing tracks for the upcoming album.”
So hindi natuloy ang naunang balita na si Tommy Mottola, executive ng Sony Music at asawa ni Thalia ang producer ng kanyang unang album?
Malamang na matupad na rin ang naunang wish ni Jessica na makatrabaho sa kanyang album ang rap superstar na si Eminem bilang magkasama na sila sa Interscope.
Kasama rin nila sa Interscope sina Lady Gaga, Nelly Furtado, All Time Low, Phillip Phillips, at marami pang iba.
Franco at Ayen, gustong i-enjoy ang pagiging ‘magkapatid’
For a change gaganap na magkapatid sa stage play ang mag-asawang Franco and Ayen Laurel sa Virgin Labfest play na Isa Pang Soap Opera.
Oo nga naman, may advatage ito sa kanila dahil mas madali silang makakapag-practice ng kanilang mga linya bilang magkasama sila sa bahay, pero in a way meron ding disadvantages dahil paano nga naman kung makalimutan nila na hindi nga pala sila magkapatid at mag-asawa pala.
“There’s a special discipline, but it can be done. Ayen and I know how to switch on our ‘work mode,’” sabi ni Franco na 11 years na pala silang kasal.
Bukod sa pagiging ‘magkapatid’ sa Isa Pang Soap Opera, first time nila uling magkakasama sa isang theatrical production since 2000 - sa Lives sila huling nagkasama.
Pero aminado si Franco na may pagkakataon na nakakalimutan niya na ‘magkapatid’ nga pala silang mag-asawa - nang magkaroon sila ng pictorial.
“Our director, Dennis [Marasigan], had to remind us at one point, ‘O, wag kalimutan ang peg…Kaya nga iniiwasan ko na lang tumingin sa mata ni Ayen, panay sa ilong na lang or sa noo, ” sabi ni Franco na mas naunang nakilalang singer.
Bukod sa kakaiba ang character niya rito, kino-consider din ni Franco na milestone sa kanyang career dahil for the first time, aarte lang siya rito hindi kakanta na ‘outside his comfort zone.’
Ang Isa Pang Soap Opera ay kuwento ng isang pamilya na ang isa sa miyembro ay may dumaranas ng Alzheimer’s Disease.
Pero hindi iikot ang kuwento sa nasabing karamdaman kundi sa magiging relasyon ng pamilya sa nangyayari sa kanila.
At bagama’t walang tigil sa trabaho ang mag-asawa, tinuturing namang nilang breath of fresh air ang Isa Pang Soap Opera.
Pagbabalik naman ito sa teatro ni Ayen pagkatapos niyang gawin ang Amaya at Hiram na Puso sa GMA 7.
“We are privileged to have been offered the part. What we’ll do here is what some may call as ‘acting vehicles,’” sabi ni Franco na ang recent works include Fire in the Soul: A Cantata and You’re a good man, Charlie Brown.
At bilang asawa, bilib na bilib ang singer sa asawa niyang hindi mapigilan ang career.
“I’m my wife’s number one fan,” he quipped.
Isa Pang Soap Opera is written by Reuel Aquila and also stars Domingo Cobarrubias, Sherry Lara, Peewee O’Hara and Jonathan Tad Tadioan. Mapapanood ito Tanghalang Huseng Batute, Cultural Center of the Philippines sa June 28 (3 and 8 p.m.), July 7 (8 p.m.) and July 8 (3 p.m.). For inquiries call 891-9999.
- Latest