Sarah ginulat ang online gamers
MANILA, Philippines - Ginulat ni Sarah Geronimo ang mahigit 1,000 online gamers mula sa iba’t ibang sulok ng bansa nang dumalo siya kamakailan sa 2012 Toy Convention (ToyCon), kung saan nakibahagi ang ABS-CBN Multimeda Inc. upang ilunsad ang ikatlo nitong Amped Fest. Namangha ang mga kabataan nang makita nila ang Pop superstar na nakasuot ng silver na wig at espesyal na cosplay costume na idinisenyo para lang sa kanya. Nakasama ni Sarah ang Amped Fest Game Master na si Barbie Lee, International cosplayer champion na si Jia Gold Bustamante, at ang Amped ambassador na si Bolen Lareza.
Bukod kay Sarah, nagdagdag ningning rin sa okasyon ang Kapamilya child wonder at bida ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time na si Zaijian Jaranilla. Bilang bahagi ng pagbabalik ng Amped Fest, namigay ng mga bigating papremyo ang ABS-CBN Multimedia sa mga kalahok ng convention. Tumanggap ng Amped Galaxy Cosplay award ang cosplayer na si Jaycell Vasquez na nagwagi ng P5,000 cash prize, at Game Master contract para sa kanyang pagganap bilang Melfi ng Cosmic Break.
Inilunsad din ng Amped sa ToyCon ang pinakabagong kapanapanabik na online games nito - ang massive multiplayer third-person shooter game na Cosmic Break; ang action RPG (role playing game) na ‘C21: Street Battle Chronicles;’ at ang Relic of Mystra at version 4 patches ng flagship brands ng Amped na Shaiya and WarRock.
Para sa karagdagang impormasyon at updates, mag-log on lang sa www.amped.ph, www.shaiya.ph, at www.warrock.ph.
- Latest