Aktor na naging active lang uli sa showbiz lumalabas na ang kabadingan
Pinagdududahan na baklita ang aktor dahil habang tumatagal, nagbabago ang timbre ng kanyang boses as in kumukulot ito.
Nakadagdag sa hinala na bading ang aktor ang kanyang pagiging single. Hanggang ngayon binata pa rin siya at walang babae na na-link sa kanya.
Nagsimula ang showbiz career ng aktor noong teenager pa siya at nasa late 30’s na ang kanyang edad ngayon.
Matagal na nawala sa sirkulasyon ang aktor pero nagsimula siya na maging active uli sa showbiz noong nakaraang taon.
Rhian ayaw nang pumatol sa mang-aaway!
Tama ang desisyon ni Rhian Ramos na tapusin ang away nila ni Angelicopter sa Twitter dahil mas malaki ang mawawala sa kanya.
Sariwa pa sa utak ng mga tao ang mga kontrobersiya na pinagdaanan ni Rhian at ‘yon ang madalas na isusumbat sa kanya, tulad nang ginawa ni Angelicopter kaya correct na correct na iwasan at huwag niyang patulan ang isyu.
Wala namang akong nakikitang masama kung totoo man na may relasyon sina Rhian at KC Montero dahil parehong single ang dalawa.
Matagal nang hiwalay si KC kay Geneva Cruz at dalagang-dalaga si Rhian na may karapatan na lumigaya, pagkatapos ng traumatic experience niya sa pakikipagrelasyon kay Mo Twister.
Pero mahihirapan sina KC at Rhian na ilihim ang kanilang relasyon dahil mga celebrity sila. Kahit maging discreet ang dalawa, makikilala pa rin sila ng mga tao sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.
Hindi nga nila nailihim na magkasama sila sa panonood ng laban nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas dahil saan mang panig ng mundo, may mga Pilipino.
Ruffa wala nang planong bumalik sa Paparazzi kahit nag-sorry pa ang bumulong
Nag-sorry na si Mr. Fu kay Ruffa Gutierrez at nagpasalamat ang huli sa paghingi ng dispensa ng kanyang co-host sa Paparazzi pero hindi ito nangangahulugan na babalik na siya sa Paparazzi.
Hindi pa tapos ang isyu dahil nag-iimbestiga pa ang TV5 management sa kaguluhan na nangyari noong Sabado na puno’t dulo ng pagpapaalam ni Ruffa sa programa. Para i-give up ni Ruffa ang source ng kanyang kabuhayan, talagang dinamdam niya ang mga kaganapan.
Hindi lamang si Ruffa ang na-hurt sa “ibinulong” sa kanya dahil nasaktan din ang kanyang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Naging prangka si Bisaya sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman at tahimik lamang si Eddie pero apektado ito sa nangyari kay Ruffa.
Benjamin pangarap maging teacher
Kakaiba ang dream ng aktor na si Benjamin Alves dahil type niya na maging teacher. Aware si Benjamin na hindi pang-forever ang showbiz career at anytime na mangyari ito, ready siya dahil sa kanyang college dream.
I’m sure, sisipagin na mag-aral at pumasok sa school ang mga estudyante kung ang katulad ni Benjamin ang magtuturo sa kanila.
Contract star na si Benjamin ng GMA Network Inc. at ng GMA Artist Center. Timing na timing ang pagbabalik showbiz ni Benjamin dahil magaganda ang projects na ibibigay sa kanya ng Kapuso Network. Pinapirma din siya ng movie contract ng Regal Films.
Hindi newcomer sa showbiz si Benjamin dahil na-try na niya noon na maging artista. Naging contract star siya ng Viva Films at napanood sa pelikulang Ang Cute ng Ina Mo.
Huminto si Benjamin sa pag-aartista dahil tinapos niya ang pag-aaral. Ngayong graduate na siya, handang-handa na si Benjamin na sumabak sa pag-arte.
Hindi na siya afraid na makipagsabayan sa mga established actor dahil sa acting workshop na ibinigay sa kanya ng GMAAC.
- Latest