^

PSN Showbiz

Kaya pumayag maging support, Christopher at Cesar nagpaka-professional lang

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Talagang pagdating sa kanilang pag-aartista ay maituturing na napaka-propesyonal nina Christopher de Leon at Cesar Montano. Habang maraming malalaking artista ang tumatanggi sa offer ni Gov. ER Ejercito na lumabas sa pelikula niya na siya ang bida, umoo agad sa alok niya ang dalawang magagaling at premyadong aktor.

Kahit pa alam nila na kung hindi man sila guest lamang sa El Presidente ay baka napakaliit lamang ng magiging role nila. Pero ipinamalas nila, no matter how small their roles will, roles lamang ang magiging maliit at hindi sila.

Mayor Lim at VM Isko sinisira ng pulitika

Nanghihinayang ako sa magandang samahan nina Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno na sinira ng pulitika. Marami pang pagkakaibigan ang masisira habang lumalapit ang eleksiyon.

Bakit kaya ganun? Bakit kapag pinaghihiwalay na ng pulitika ang dalawang magkaibigan ay kadalasa’y naghihiwalay nang magkaaway at hindi nagkakasundo? Hindi ba maaring ma-retain ang friendship?

Hindi naman kaila na nagsimula sa maganda ang pagkakaibigan nina mayor at vice. Si Isko mismo ang nagsabi noon kung paano siya inalagaan at inihahanda ng Mayor Lim para siyang sumunod na taga-pamahala ng Lungsod ng Maynila? Bakit sila naghiwalay at bakit sila naging magkaaway?

Mga nadamay na lalaki kay Ruffa nabastos din

Biglang inihayag ni Mama Annabelle Rama ang mga tanong na ibinulong sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez nung birthday pre­sentation nito sa Paparazzi. Totoo namang naka­babastos dahil lalabas na hindi lamang platonic ang naging relasyon niya sa mga artistang lalaking binanggit. Pero dahil hindi naman ito narinig ng mga taong concerned at bukod tanging siya at ang mga bumulong ang nakakaalam ng tanong at hindi ang mga bisita niya o maging ang mga anak niya kung kaya it made the portion less deg­rading o bastos na gaya ng naramdaman niya.

Tama ’yung naging obserbasyon ng isang nakapanood ng show dapat alam na niya kung ano ang itatanong sa kanya para napaghandaan niya. At hindi naman siya required na sagutin ang tanong, puwede siyang magbigay ng ibang sagot at hindi naman si­guro siya iko-condemn ng mga nagtatanong.

Bakit kaya biglang tinanggap ni Ruffa na bastos ang mga tanong gayung alam naman niya na mga ganung klaseng tanong ang ibabato rin sa kanya?

Sa ginawang pagbubuking ni Mama Annabelle sa mga tanong, nabastos din ’yung mga nadamay sa tanong. Tsk, tsk, tsk!

BAKIT

CESAR MONTANO

EL PRESIDENTE

MAMA ANNABELLE

MAMA ANNABELLE RAMA

MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR LIM

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with