Amy ligawin pa rin
Maganda ang ambience sa presscon ng Lorenzo’s Time ng ABS-CBN dahil puro bulaklak na rosas ang ipinamigay sa press at sa mga artistang kasama sa movie. Ipinapaliwanag nila kung kanino at bakit nila binigyan ang mga ’yun.
Nagmarka sa amin ’yung sinabi ni Carmina Villaroel na tatlo ang rosas na tamang-tamang para sa dalawa niyang anak at kay Zoren Legaspi na siyang buhay niya.
Si Amy Austria naman ay nagustuhan ang Lorenzo’s Time kaya noong nakipag-meeting siya sa staff ay hindi siya nakatanggi at tinanggap agad ang offer.
May nagtanong kung bakit bilang ginagamit na ang apelyido ng kanyang asawa na Ventura — bale Amy Austria-Ventura na ang makikita sa billing niya.
Say ng aktres, ‘‘Kasi nililigawan pa rin ako kaya nag-decide ako na gamitin ko ang apelyido ng aking asawa.’’
Sa Lorenzo’s Time gagampanan ni Amy ang karakter ni Mildred na tita ni Enzo o Lorenzo na ginagampanan ni Zaijian Jaranilla na kahit anong role ang ibigay sa bata ay kayang-kaya niyang gampanan.
Idinagdag pa rin ni Direk Jerome Pabocon na pinaghandaan talaga ni Zaijian ang karakter na Enzo at nag-workshop pa para magkaroon ng lalim ang akting.
Kakaibang love team ang hatid nito katambal si Carmina Villaroel.
Dictator manggugulo sa New York
Ang Academy Award-nominated at Golden Globe-winning writer, performer, at creator ng characters gaya nina Ali G., Borat, at Bruno ay pumasok sa autocratic na katauhan ni General Admiral Haffas Aladeen — isang diktador na nagbuwis ng buhay para makatiyak ng demokrasya na hinding-hindi makakapasok sa kanyang bansa sa comedy film na The Dictator.
Nang mapatay ang kanyang ama, siya ang ipinalit sa ama ng kanyang adviser na si Ben Kingsley bilang head ng Secret Police.
Nang mapatay ang isang tauhan niya, pinayuhan siya ng kanyang uncle na magtungo siya sa New York pero hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya dahil maraming nakakulong na Wadiyans dun.
Abangan ang mga susunod pang nakatatawang pangyayari sa buhay ni Aladeen. Malapit nang ipalabas ang The Dictator mula sa Solar-UIP.
- Latest