^

PSN Showbiz

TV host na pikon at network executive, nag-asaran nang magkasabay dumalaw kay Tito Dolphy

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Nagpang-abot pala sa pagdalaw kay Dolphy, noong wala pa sa ICU (intensive care unit) ang hari ng komedya, ang isang executive ng network at TV host na kontrobersiyal.

Pero hindi na raw noon gaanong nakakapagsalita si Tito Dolphy, ayon sa source. So, lahat ng dadalaw, bumubulong lang at sasagot daw ng pabulong si Tito Dolphy.

Minsan daw ay naabutan ni controversial TV host na bumubulong ang TV executive kay Tito Dolphy kaya bilang sagot, binulungan din ni Tito Dolphy.

Nang aalis na raw ang TV executive, sarcastic na nagtanong ang TV host na controversial kung anong ibinulong ni Tito Dolphy sa kanya.

Sagot daw ng TV executive, “Ang bawasan ang kayabangan mo.”

Siyempre raw, sinabi lang ’yun ng TV executive para asarin ang TV host.

Napikon daw ang TV host kaya medyo nagkaroon ng commotion bago pa nakaalis ang TV executive na kilalang palaban at kung tutuusin ay nakakabilib dahil naisip niya agad asarin ang TV host na bukod sa kilala nga namang mayabang ay pikon din.

Erap magpapa-misa

Kung May Erap May Ginhawa, ’yan pala ang magiging title ng programa ni ex-President Joseph “Erap” Estrada sa TV5.

Wala lang nabanggit ang kausap ko kung kailan mag-uumpisa ang pagbabalik sa ere ni Erap. Basta malapit na raw.

Of course, isang public service ang show.

Samantala, dumalaw pala si Erap kay Tito Dolphy sa Makati Med last Saturday night.

Ang say pa ni Erap, mag-o-offer sila ng mass para sa Comedy King sa Pinaglabanan Church.

As of presstime, nag-improve ang lagay ng Hari ng Komedya nang nag-dialysis ulit siya.

Anyway, nag-text ako kay Tita Dolor Guevarra para itanong kung libre si Tito Dolphy sa Makati Med bilang isa ito sa pag-aari ni Mr. Manny V. Pangilinan na amo rin naman niya sa TV5.

Kaso hindi alam ni Tita Dolor.

Bago naospital si Tito Dolphy ay may show siya sa TV5 na Pidol’s Wonderland.

Martin kinorek ni Zsa Zsa

“Hello. I’m currently with Dolphy at the ICU where he is currently having his 3rd dialysis. There was a bit of misinformation earlier at ASAP.

“But we would like to thank Asap production, staff, and singers who paid tribute to Dolphy by way of singing his favorite songs,” pagkokorek ni Zsa Zsa Padilla sa sinabi ni Martin Nievera sa programa na nakalabas na si Tito Dolphy sa ICU.

Saan kaya nakuha ni Martin ang sinabi niya?

Cesar Montano at Christopher De Leon pasok sa El Presidente

Ka-join na pala sa pelikulang El Presidente sina Cesar Montano at Christopher de Leon. Mga bida rito sina Gov. ER Ejercito, Nora Aunor, and Cristine Reyes.

Mismong si Mr. Vic del Rosario ang nagkuwento tungkol sa inclusion ng dalawang magaling na actor sa pelikula ni Gov. ER na kasali sa official list ng walong pelikula sa 2012 Metro Manila Film Festival.

CESAR MONTANO

CHRISTOPHER DE LEON

COMEDY KING

CRISTINE REYES

DOLPHY

EL PRESIDENTE

ERAP

MAKATI MED

TITO

TITO DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with