^

PSN Showbiz

Matteo hindi na nagpapaalam kay Maja kapag nakikipag-kissing scene sa iba

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Tatlong buwan daw ang ginawang paghahanda ni Matteo Guidicelli para sa Precious Hearts Romances Presents Isla na si Jessy Mendiola ang kanyang makakasama rito.

Ito raw ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawa kaya excited si Matteo para sa nasabing proyekto.

“Ayos! Jessy is very fun to work with. She’s very nice to be with. She’s a very sensitive person. I’m taking this as a very very fresh new challenge and I’m very excited,” nakangiting pahayag ni Matteo.

Magpapaka-daring ang aktor sa serye kaya talaga namang pinaghandaan niya ito.

“Basically it’s a romance. Basically it’s a new me. Basta alam natin na ’yung PHR romance so talagang makikita natin na maraming romance,” natatawang sagot ng binata.

“Basta just imagine two people on an island. Only two people on an island na walang kasama. Parang Blue Lagoon. Isa ako rito na from a rich family, na married ako rito, na businessman na twenty five years old, and basically I get stranded on an island with a girl I don’t know.”

Hindi naman nagkaroon ng problema sa pagitan nila ng kasintahang si Maja Salvador ang kissing scenes nina Matteo at Jessy sa nasabing serye.

“Hindi na kasi alam naman talaga niya kung ano ang trabaho at ano ang hindi. Ang promise ko naman sa kanya is I will be professional here and I will give 100% and just do my best here in this show. This is an opportunity that ABS-CBN gave me na lead talaga ako sa isang soap, so, I’m very, very excited. I think this is it,” paliwanag pa ng aktor.

Kabilang din si Matteo sa pinakabagong show tuwing Sabado ng umaga, ang I-Shine Talent Camp.

Ella hindi nakikitang kakumpetensiya sina Julia at Kathryn

Sobrang saya ngayon ni Ella Cruz dahil patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang teleserye niyang Aryana kaya tuluyang namamayagpag ito sa ratings.

“Sobrang flattered and super thankful po ako sa mga suporta mula kay God, sa fans. Talagang wala po akong ibang masabi kundi thank you kasi hindi ko po inaasahan na magiging ganun ang ratings namin,” bungad ni Ella.

Ngayon ay ikinukumpara na rin si Ella kina Julia Montes at Kathryn Bernardo na silang mga sinasabing Prinsesa ng Primetime sa Kapamilya Network.

“Hindi po maiiwasan ’yon pero para sa akin hindi ko nakikita na kumpetisyon kasi silang dalawa po ang naging inspirasyon ko, lalo na noong nag-start ang Mara Clara. Sila ang nag-inspire sa akin na balang araw magkakaroon din ako ng show ko,” pagtatapat ng young actress.

Matagal-tagal rin ang pinaghintay ni Ella bago pa niya nakuha ang malaking proyektong ito na siya ang bida. Reports from JAMES C. CANTOS

BLUE LAGOON

ELLA

ELLA CRUZ

I-SHINE TALENT CAMP

JESSY

JESSY MENDIOLA

JULIA MONTES

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with