^

PSN Showbiz

Mang Dolphy napaluha, Pamilya Quizon inuulan sa hospital ng bulaklak, pagkain, at pera

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Happy ang Quizon family dahil maganda ang progress ng kalagayan ni Dolphy.

Ipinagpatuloy na uli ang dialysis procedure kay Mang Dolphy at kahapon, nagkaroon ng 5:30 p.m. mass sa Makati Medical Center.

Hindi ikinakaila ng pamilya ni Mang Dolphy na critical pa rin ang kanyang kalagayan pero nagmumulat na siya ng mga mata at may response kapag tinatawag ang pangalan niya.

Nagdilat ng mga mata si Mang Dolphy pagkatapos lagyan ng butas ang kanyang lalamunan.

Ikinuwento ni Eric Quizon na tumulo kahapon ang luha ng tatay nila at magandang sign ito para sa kanila.

Naniniwala sila na ang pagluha ni Mang Dolphy ang paraan ng pagsasabi niya ng pagmamahal sa kanyang pamilya.

Binanggit din ni Eric na nakatulog na siya nang mahimbing at hindi na masyadong nag-aalala.

Tuwang-tuwa siya dahil nagdarasal para kay Mang Dolphy ang lahat ng mga tao na member ng iba’t ibang relihiyon. Na-feel nila ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang ama.

Pinasalamatan ni Eric ang mga nagpapadala sa kanila ng mga tulong.

Touched na touched ang Quizon family sa mga nagbibigay ng flowers, pagkain, at financial help.

Hindi na nagbanggit ng pangalan si Eric. Basta ang sabi niya, alam na ng kanyang mga pinasasalamatan kung sino sila.

May kilala ako na nagpadala ng financial help pero hindi ko rin sasabihin ang name dahil sa kanyang pakiusap na huwag na siyang pangalanan.

 Naka-standby pa rin sa harap ng Makati Medical Center ang members ng media na matiyagang naghihintay sa mga latest update tungkol sa kalagayan ng King of Comedy.

Pagpapakasal sa babae ni Dranreb iniintriga

Bakit nga ba iniintriga ang pagpapakasal ni Dranreb Belleza sa isang babae eh may karapatan naman siya na lumigaya at capable na bumuo ng sariling pamilya?

Aware si Dranreb na may mga negative reaction dahil nagpakasal siya pero dedma ang former child actor dahil mas mahalaga na happy ngayon ang kanyang buhay.

Sanay na sanay na si Dranreb sa showbiz. Hindi na siya nagpapaapekto sa mga sinasabi ng mga intrigero at intrigera.

Marami akong kilala na pinagdaanan ang mga naranasan ni Dranreb pero hindi sila nagsisisi sa pagpapakasal nila dahil napakaligaya ngayon ng kanilang mga buhay.

Ruffa nag-host ng Miss World kahit birthday at masama ang loob

The show must go on para kay Ruffa Gutierrez.

 Kahit na-hurt siya sa nangyari sa Paparazzi noong Sabado, sinipot ni Ruffa ang hosting job niya kagabi sa Miss World Philippines 2012.

 Pinairal ni Ruffa ang pagiging professional. Itsurang birthday niya kahapon at masama ang kanyang loob sa mga kaganapan noong Sabado, hinarap niya ang mga obligasyon bilang co-host ni Edu Manzano sa coronation night ng Miss World Philippines.

Shalani nag-sing and dance sa Game ’N Go

Hindi ko napanood kahapon ang pagkanta at pagsayaw ni Shalani Soledad-Romulo sa Game ‘N Go dahil papunta ako sa airport ng mga oras na iyon.

Nabalitaan ko na lang ang magagandang comment tungkol sa pag-sing and dance ni Shalani ng Call Me Maybe.

I’m sure lalong naging proud si Pasig City Congressman Roman Romulo sa kanyang total performer na misis.

CALL ME MAYBE

DAHIL

DRANREB

KANYANG

MAKATI MEDICAL CENTER

MANG DOLPHY

MISS WORLD PHILIPPINES

N GO

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with