^

PSN Showbiz

Rufa Mae gustong bumuwelta kay Willie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nangako si Rufa Mae Quinto na sasagutin ang mga tanong sa pag-alis niya sa Wiltime Big Time ’pag ready na siya.

“I will talk when I’m really okay,” pangako nito.

Hindi na muna nito sinagot ang tanong kung totoong may kinalaman ang mataas na talent fee na kanyang hinihingi ang rason.

Balitang P1.5 million ang TF na hiningi ni Rufa Mae na hindi ibinigay sa kanya. Halatang hindi rin nito nagustuhan na ang Juicy ng TV5 pa ang nagbalita nito gayung wala naman daw siyang ginagawa.

May pagka-sarkastiko tuloy ang reaction ni Rufa Mae na “sobrang dami nga nang ginagawa ko, may soap at six movies.”

Ang fantasy-drama na Enchanted Garden ang tinutukoy nitong soap at isa sa mga gagawing pelikula ay ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel Pictures na entry sa Metro Manila Film Festival.

Pagsi-swimsuit ni Aiza pinalakpakan

Umaani ng papuri si Aiza Seguerra sa labas niyang si Regina sa stage musical na Rock of Ages dahil sa galing umarte at ku­manta. Umagaw din ng pansin ang pagsusuot niya ng swimsuit na sabi nito, naka-oo na siya bago malaman ang role at kung ano ang isusuot.

Siya si Regina sa play who works for the mayor, wala sa movie ang karakter niya, pero ang katumbas niya ay si Catherine Zeta-Jones who plays the mayor’s wife. ’Katuwa ang sabi ni Aiza na worried siya dahil mataba siya, pero based sa reaction ng audience, ang lakas ng impact ng kanyang role at naghiyawan ang audience.

Samantala, launching this Sunday ng self-titled album ni Krizza na produced ni Aiza pero absent ito dahil nasa katapat na ASAP. Video message na lang niya ng congratulations kay Krizza ang ipalalabas.

AIZA

AIZA SEGUERRA

CATHERINE ZETA-JONES

ENCHANTED GARDEN

KRIZZA

LOLA BASYANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA KUWENTO

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with