Mga Pulis wanted kay Ted
MANILA, Philippines - Kung dati ay kotong cops lang ang reklamo, ngayon ay level up na rin ang krimeng kinasasangkutan ng ilang mga pulis tulad ng rape, carnapping, pagnanakaw, kidnapping, at mayroon pang ilan na muntikan nang makapatay.
Sa tala ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 137 ang mga kasong isinampa laban sa mga pulis na may ranggong PO1 hanggang Police Superintendent o Lieutenant Colonel magmula noong 2010 hanggang April ngayong taon.
Halimbawa na lamang nito sina PO3 Morris Malindog at PO1 Robert Cruz na nilooban ang bahay ng pamilya Bagui sa Sta. Ana, Manila at nilimas ang kanilang ari-ariang tinatayang umabot sa P2 milyon ang halaga.
Hindi rin nagpahuli ang mga pulis na may mataas ng ranggo tulad ng mga heneral na sangkot sa ma-anumalyang transaksiyon noong 2009 kung saan bumili ang PNP ng tatlong second-hand choppers na umabot sa P105 milyon.
Ano na kaya ang nangyari sa kasong ito? Sa mas malalim na pag-iimbestiga ng Failon Ngayon, napag-alaman ding may ilang mga opisyal ang PNP na dapat ay dismissed na ngunit nasa serbisyo pa rin.
Sinu-sino sila? Sinu-sino naman ang mga pulis na naparusahan sa krimeng kanilang nagawa?
Tunghayan ang buong kuwento ngayong Sabado (June 23) sa Failon Ngayon, 5 p.m. sa ABS-CBN. Mag-komento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon.
- Latest