^

PSN Showbiz

Vhong at Angel magpapatawa hanggang sinehan

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Minahal ng publiko ang tambalang Justin at Isabel sa TODA Max at ngayon ay dadalhin na sa big screen ang kanilang love team sa paparating nilang comedy film.

Excited si Vhong aminin na malayo pa ang mara­rating ng team-up nila ni Angel Locsin. “Kami raw ulit ni Angel ang magkakasama sa bagong pelikula. Siyempre nagulat ako kasi pangarap ko rin ’yun,” sabi ni Vhong.

Mahaba-haba na rin ang pagsasama ng dalawa sa weekly comedy show nilang Toda Max kung saan ginagampanan ni Vhong ang bibo sa kusina na si Justin Bibbo habang si Angel ang kapareha nitong si Isabel Padausdos.

Komportable si Vhong na magiging maayos ang batuhan nila ng linya dahil nasanay na rin sila sa pagpapatawa sa TODA Max.

Samantala, sa TODA Max, aalis na si Justin papuntang Italy na siya namang todong ikinalungkot ng nobyang si Isabel. Sa airport, makakatanggap si Justin ng isang tawag na ikabibigla ng lahat.

Medyo malulungkot naman si Tol (Robin Padilla) dahil babalik ang ex-boyfriend ni Diane (Valerie Concepcion) na si Andrew na gagampanan ng guest star na si Gerald Anderson.

Tungkol saan kaya ang tawag kay Justin? At ano naman ang papel ng pagbabalik ni Andrew? Abangan ang mga kapana-panabik na pangyayari sa TODA Max ngayong Sabado, (June 23) sa ABS-CBN.

vuukle comment

ABANGAN

ANGEL LOCSIN

GERALD ANDERSON

ISABEL PADAUSDOS

JUSTIN

JUSTIN BIBBO

ROBIN PADILLA

TODA MAX

VALERIE CONCEPCION

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with