^

PSN Showbiz

Alden at Louise mabilis napansin!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakakuha ng atensiyon ang bagong primetime drama ng GMA Network, One True Love, sa kanila pa lang na pilot week dahil sa high ratings mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

Base sa overnight household data na nai-record sa Mega Manila mula June 11-15, ang One True Love ay naka-score ng 38.4 share points.

Ito ay dahil madaling kinagiliwan ang mga bidang sina Tisoy at Elize na ginagampanan nina Alden Richards and Louise delos Reyes sa kanilang pagbibida sa primetime. Pinaigting din ag aktingan kasama sina Agot Isidro, Raymond Bagatsing, at Jean Garcia.

Isa sa mga pruweba na mahal na mahal na ang tambalang Alden at Louise ay nang dumugin sila sa recent mall show at campus tour sa Cagayan de Oro at Bukidnon nung June 17-18.

Mistulang nagka-pandemonium sa lakas ng dagundong ng mga tilian at isinisigaw nila ang mga pangalang Tisoy at Elize.

“Nakakataba ng puso ang naging mainit na pagtanggap sa aming lahat at masayang-masaya kami na tinatangkilik nila ang One True Love,” sabi ni Alden.

Sa mga darating na araw, mas magkakalapit na ang dalawamg bida at mabubuo ang isang special friendship. Iyon naman ang ikakagali ni Troy (Lucho Ayala) kaya ipe-pressure niya si Carlos (Raymond Bagat­sing) para pigilan si Elize na makipagkita pa kay Tisoy.

Sundin naman kaya ni Elize ang payo ng ama? Ano ang mangyayari kay Ellen (Jean Garcia) kapag nadiskubre niya ang koneksiyon nina Tisoy at Carlos?

Ang One True Love ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Makapiling Kang Muli sa GMA Telebabad.

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

ANG ONE TRUE LOVE

AUDIENCE MEASUREMENT

ELIZE

JEAN GARCIA

LUCHO AYALA

ONE TRUE LOVE

TISOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with