Andres Bonifacio makikilala na ng mga bagets dahil kay Alfred
Malaking advantage kay Alfed Vargas kapag nabigyan ng suporta ng DepEd na maipapanood sa maraming mag-aaral ang ginawa niyang pelikula tungkol kay Andres Bonifacio na pinamagatang Supremo.
Malaking tulong ang magagawa ng movie para maipakilala sa mga kabataan, at maging sa maraming matatanda na rin kung sino ba si Andres Bonifacio at ano ang naging papel niya para siya kilalaning bayani ng bansa.
Maraming mag-aaral ang kilala lamang sa pangalan ang mga bayani natin kasama na ang Pambansang Bayani natin na si Jose Rizal, with Alfred’s film baka mas mauna nating makilala ng lubusan si Bonifacio kaysa kay Rizal.
LJ pinagseselos si Paulo
Kung sa kanyang mga proyekto sa TV ay pinagagalit lamang ni LJ Reyes ang mga manonood, sa isang indie film na ginagawa niya at prodyus ni Boy Abunda ay nag-topless siya sa isang lovescene nila ni JM de Guzman.
Ewan ko lang kung ano ang masasabi rito ni Paulo Avelino na siyang karelasyon niya hanggang sa ngayon at may anak silang lalong nagbibigkis
sa kanilang pagsasama.
Sana naman ay hindi ito masamain at pagselosan ng aktor dahil artista rin siya at isa lamang itong bahagi ng kanilang trabaho.
Kung patuloy man sa pag-unlad ang career ni Paulo sa kabilang istasyon, sa GMA ay patuloy si LJ sa kanyang pagpupunyagi na makilala rin at maging mahusay bilang aktres.
Artista na milyonaryo pa!
Hindi lamang ang pagkakataong maging artista ang nagtutulak sa maraming kabataan na sumali sa mga ginagawang audition para sa artista search na itinataguyod ngayon ng ABS-CBN, GMA7 at TV5. Malaking atraksiyon din ‘yung ilang milyong piso na maiuuwi ng mapipili. Biruin mo artista na siya, milyonaryo pa!
Sino naman ang hindi sasali para sa karapatang sumikat at yumaman?
Mind you, pati kamag-anak ng mga celebrities ay join na rin sa search. Panahon lang naman ang kailangang maging puhunan nila plus their natural talents and looks. At suwerte. Ito ang pinakamalaking factor na kailangan nila. Kapag kinasihan sila ng suwerte, sila ang magiging pinakabatang milyonaryo sa bansa.
- Latest