Dolphy dinagdagan ng dugo, bumababa ang hemoglobin
MANILA, Philippines - Nasa intensive care unit (ICU) pa rin ang Hari ng Komedya na si Dolphy.
Dinagdagan nga lang daw ang dugo nito kahapon dahil bumaba ang hemoglobin.
Pero wala na raw itong ventilator na nakakahinga na on his own.
Kaya naman, dasal pa rin ang hiling ng kanyang mga kaanak.
Kapatid ni Gerald nakikipagsapalaran sa ibang network
Nag-audition pala sa Artista Search ng TV5 ang kapatid ni Gerald Anderson.
Kaya lang ang puna nang mga nakakita, hindi raw kasing guwapo ni Gerald ang kapatid.
Isa pa sa naispatan nila ang anak ni Alvin Patrimonio.
Obvious daw na talagang maraming naghahabol sa sampung milyong piso.
Xian maraming gustong gawin!
Heto nadagdagan na naman ang talent search. Pero mga bata ang target nang inilunsad kahapon na Promil Pre-School i-Shine Talent Camp na ipapalabas sa ABS-CBN tuwing Sabado.
Katulong ng Promil Pre-School ang ABS-CBN para iparating sa mga manonood ang TV reality show na hihimok sa mga magulang at kabataan na ipakita at hasain ang kanilang mga talento. Naghihintay ang isang talent contract sa Star Magic at Promil Pre-School at Php 500,000 cash sa batang mananalo.
Sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli at Xian Lim ang magsisilbing host ng palabas kung saan 12 i-Shiners ang dadaan sa training ng mga artistang magsisilbing mentors tulad nina John Pratts, Karylle, Luis Manzano at marami pang iba. Kasama ng mga bata ang kanilang magulang para magbigay ng suporta.
Ayon sa mga host ng i-Shine Talent Camp, buo rin ang suporta na ibinigay sa kanila ng kanilang pamilya, lalo na ng kanilang mga magulang noong sila’y nagsisimula pa lamang.
Ibinahagi ni Matteo na kahit busy siya sa kanyang trabaho bilang aktor, modelo, at atleta ay hindi siya nawawalan ng panahon para sa pamilya. Tulad ng pag-suporta ng kanyang mga magulang sa mga peligrosong sports tulad ng horseback riding, motocross at go-kart na gustung-gusto niya noong bata, ibinibigay niya ang full support niya sa limang-taong gulang na kapatid na si Gianpaolo.
“He likes to dance and sing so I get him a lot of Justin Bieber and stuff like the Xbox Dance game,” ani Matteo. “Sumasama rin ako sa swimming lessons niya tapos minsan sinasama ko naman siya sa triathlon trainings ko. By being supportive, that’s how I motivate him.”
Ang My Binondo Girl co-star naman ni Matteo na si Xian ay ibinahagi rin ang suporta na ibinigay sa kanya ng pamilya. “Ginabayan ako ng parents ko para mahanap ko kung ano talaga ‘yung gusto kong gawin. Ako kasi ‘yung tipo na maraming pangarap pero sinubukan ng parents ko na i-share sa akin ‘yung alam nila. Tulad sa mom ko, pianist siya, she taught me how to play the piano while my dad guided me in playing basketball.”
Ang nurturing mom naman na si Dimples ay pinasalamatan ang kanyang ina na nakita kaagad ang kanyang potensiyal habang bata pa. Sinuportahan siya ng ina sa mga pag-eensayo niya tuwing may sasalihang kompetisyon.
“Ngayon na mom na ako, natutunan ko na dapat talaga full support tayo sa ating mga anak. My daughter Cal is very athletic, kaya sinusuportahan ko siya sa pag-enroll sa kanya sa swimming and figure-skating lessons na gustung-gusto naman niya,” ani Dimples.
Mapapanood ito tuwing Sabado, 9:30 a.m. na magsisimula na sa June 23 (Saturday) sa ABS-CBN.
At least hindi lang sa mga teeners ang mga talent seach na ginaganap sa kasalukuyan.
- Latest