^

PSN Showbiz

Dahil sa depresyon, Korean actress nagpakamatay!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napaulat kahapon sa Yahoo na nagpatiwakal ang 25 anyos na Koreanang aktres na si Jung Ah-yul.

Ayon sa balitang lumabas, batay sa sinasabi sa Allkpop website, natuklasan ang wala nang buhay na katawan ni Jung Ah-yul sa kanyang bahay noong Hunyo 17 at hininalang nagpakamatay ang aktres.

Sinikap pa ring isugod sa ospital ang aktres pero nabigo ang duktor na maisalba siya at idineklara na lang na patay na ito.

Ilang mga kakilala na malapit kay Jung Ah-yul ang nagsasabing meron siyang depression na siyang nagtulak sa aktres para magpakamatay.

Naaalala rin ng mga tagahanga ng aktres na noong Hunyo 11, ilang araw bago siya namatay, inilagay ni Jung Ah-yul sa status ng kanyang Facebook account ang “Nothing consoles me.”

Nagsisimula pa lang ang career ni Jung Ah-yul bilang aktres sa pamamagitan ng KBS drama na Love, My Love.

Sumailalim din siya ng pagsasanay sa pagkanta.

Bagaman hindi pa malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay, patuloy pa itong iniimbestigahan ng pulisya.

AKTRES

ALLKPOP

AYON

BAGAMAN

FACEBOOK

HUNYO

ILANG

JUNG AH

KOREANANG

MY LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with