^

PSN Showbiz

Seksing aktres pinatos ang anak ng karelasyong aktor

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng sexy actress at ng veteran actor dahil sunod ito sa luho at naibibigay lahat ng gusto niya.

Pero dumating sa punto na nakilala ng aktres ang anak ng veteran actor at nagkaroon din sila ng relasyon. Pero akala niya ay maitatago ang kanilang lihim.

One time ay nagtungo ang aktres sa condo ng veteran actor at nang bababa na ang lalaki sa hagdan ay siya namang pagpanhik ng kanyang anak. Parang binuhusan ng yelo ang aktres at sa matinding kahihiyan ay hindi na siya muling nagpakita pa sa mag-ama.

Vaness nagpipigil kumain

Kung noon ay puro supporting role ang naibibigay kay Vaness del Moral, ngayon ay isa na ito sa limang bidang babae sa Faithfully. Limang magkakaibigan na pumatol sa isang lalaki ang tema ng Faithfully.

Kuwento ni Vaness, nagpipigil silang kumain kapag nasa set para ma-maintain ang kaseksihan at kinakain lang ay dalawang nilagang itlog at saging na saba.

Sila pa rin ni Biboy Ramirez at going strong pa rin ang tatlong taon nilang relasyon. 

Mike walang balak pakasalan ang GF

Sa Angono, Rizal pa rin nakatira si Mike Tan kasama ang mga magulang at mga kapatid. Pero nakapagpundar na siya ng dalawang condo unit — isa sa Ortigas at isa sa Taft A­venue. Balak niya itong paupahan.

Walang balak magpakasal si Mike sa kanyang girlfriend dahil mag-iipon muna siya para maging handa kapag lumagay na sa tahimik.

vuukle comment

BALAK

BIBOY RAMIREZ

KUWENTO

LIMANG

MIKE TAN

PERO

RIZAL

SA ANGONO

TAFT A

VANESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with