^

PSN Showbiz

Cesar tuluyan nang lumayas sa Kapuso, iwe-welcome ng TV5 bilang host ng Artista Academy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Hindi lang big prizes ang pasabog nang magpa-pilot na Game ’N Go ng TV5 ang mapapanood this noontime, iwe-welcome rin nila ang bagong Kapatid, ang bagong lipat na aktor sa network.

At ang tinutukoy naming bagong Kapatid ay si Cesar Montano at may show agad ang aktor dahil siya ang main host ng Artista Aca­demy. Ang dinig namin, hindi pa pumirma ng mahabang kontrata ang aktor at mas pinili ang per show contract, pero may inihahanda na isa pang show sa kanya.

Anyway, i-introduce rin si Daniel Matsunaga na bagong talent ng Kapatid at makakasama nina Gelli de Belen at Arnell Ignacio. Sina Joey de Leon at Edu Manzano ang main hosts ng Game ’N Go!

Phillip sobrang nagagalingan kay John Lloyd

Sakaling manalo sa pagtakbo niyang vice governor ng Bulacan, hindi iiwan ni Phillip Salvador ang showbiz. Wala magiging conflict sa pagiging public servant niya sa pag-artista niya at hindi niya puwedeng kalimutan ang showbiz.

In fact, pumayag maging mentor ni Phillip sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break! para sa mga nag-audition sa Mindanao na ginawa sa Davao.

Dito pumasok ang tanong kung sino sa younger actors ang nakikita niyang magiging next Phillip?

 “Marami pero sa 20-25 years old, si John Lloyd Cruz ang pinakamagaling at sa galing niyang umarte, kaya niyang mag-action. Sa action-drama, ang nakikita kong puwede ay si Richard Gutierrez. Sa straight drama, si John Lloyd at magaling din si Coco Martin,” sabi ni Phillip.

Nalaman ni Phillip na gagawing stage play ang Bona starring Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman. Fan si Phillip ni Uge at magaling umarte si Edgar Allan. Kung ire-remake ang Bona, si Dingdong Dantes ang bagay pero walang maisagot ang aktor kung sino ang puwedeng maging Nora Aunor, basta marami ang puwede.

“Mahirap gawan ng remake ang movies nina Nora at Vilma Santos but I’m blessed because I’ve worked with the best actors, lahat magagaling. But my favorite leading lady is Gina Alajar, she brings out the best in you ’pag kaeksena mo. Blessed din ako because I was molded by the best director, none other than Lino Brocka.”

Nabanggit ni Phillip na balak niyang magtayo ng acting school in the future, kaya natuwa na kinuha siyang mentor sa Protégé.

Enzo tameme tungkol sa kanila ni Louise pero inaming nagseselos nga kay Alden

Happy at exciting ang Sunday ni Enzo Pineda dahil pilot ng Together Forever, kung saan, maganda ang role niya bilang si Angelo na half-brother nina Elmo Magalona, Renz Valerio, at Janine Gutierrez. Kung matutuloy, first shooting day din ngayong araw ng Basement, ang first movie yata ni Enzo.

Kung horror ang Basement, family drama naman ang Together Forever, kaya balanse ang projects ng aktor. Wala pa siyang alam na love interest niya sa Together Forever pero sa movie si Sarah Lahbati ang makakapareha.

Nagkataong kasama rin sa movie si Louise delos Reyes ang “special girl” ni Enzo at matatandaang nagka-isyu rati sina Louise at Sarah, kaya ang tanong sa aktor hindi ba siya mai-stress ’pag nagdedmahan ang dalawa? ’Tapos sina Louise at Sarah pa ang madalas magkaeksena.

Inalam din kay Enzo kung totoo ang sinabi ni Louise na ayaw niyang manood ng One True Love dahil nagseselos siya kay Alden Richards? Normal lang na magselos siya pero nang tanungin kung kailan sila aamin ni Louise, natame­me na.

 “Let’s see. let’s see! We both respect our work and I’m happy for Louise dahil may launching soap na siya,” sagot ni Enzo.

ALDEN RICHARDS

ENZO

JOHN LLOYD

KAPATID

KUNG

N GO

PHILLIP

TOGETHER FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with