^

PSN Showbiz

Nora Aunor, Direk Brillante ligwak sa Magic 8 ng MMFF

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

May Startalk ako kahapon kaya hindi ko napuntahan ang announcement ng walong official entries sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa isang Korean restaurant sa Makati City.

Si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Francis Tolentino ang nag-announce ng mga pelikula na kalahok bilang project ng kanyang agency ang MMFF.

Walo sa labing-apat na pelikula na na-submit ang nakapasa, ang Si Agimat, Si Enteng, and ME ng OctoArts/M-Zet/Imus/ APT/GMA Films na pagbibidahan nina Vic Sotto, Sen. Bong Revilla, Jr. at Judy Ann Santos, ang Conyo Problems ng GMA Films na tatampukan nina Aljur Abrenica, Solenn Heussaff, Isabel Daza, at Mikael Daez.

Official entry din sa MMFF ang El Presidente, ang pelikula nina Laguna Governor ER Ejercito, Cristine Reyes, at Nora Aunor, ang Star Cinema’s Sisteraka na co-prod ng Viva Films at Star Cinema. Mga artista ng Sisteraka sina Kris Aquino at Vice Ganda.

Sina Richard Gomez, Iza Calzado, Sam Concepcion, at Zsa Zsa Padilla ang stars ng Mga Kuwento ni Lola Basyang ng Unitel Films. The Strangers ang title ng entry ng Quantum Films at mga bida sina Jake Cuenca, Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, at Cherry Pie Picache.

Siyempre, hindi kumpleto ang 2012 MMFF kung hindi kasali ang Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment, Inc. at pasok din sa filmfest ang One More Try ng Star Cinema. Sina Angelica Panganiban, Angel Locsin, at Dingdong Dantes ang big stars ng One More Try.

Hindi pinalad na makapasok sa Magic 8 ng MMFF ang Thy Womb ng Cannes Film Festival Best Director Brillante Mendoza. Si Nora Aunor ang bida sa Thy Womb pero walang dapat ikalungkot ang Noranians dahil bida sa El Presidente ang kanilang idol.

Naligwak din ang Alyas Ben Tumbling na launching movie sana ni Jerico Ejercito, ang Death March ni Cesar Montano, Tuhog, My Prince Charming, at isang pelikula na walang tiyak na title na pangungunahan dapat ni Coco Martin.

Pacman tumanggi sa hero’s welcome

Dumating kahapon sa bansa si Congressman Manny Pacquiao na nagsabi sa kanyang followers na tanggapin at igalang ang desisyon ng boxing judges na nagdeklara na si Timothy Bradley, Jr. ang nanalo sa kanilang laban noong June 9.

Tumanggi rin si Papa Manny na bigyan siya ng hero’s welcome sa pag-uwi niya sa Sarangani province. Ganyan ka-humble ang Pambansang Kamao na biglang napauwi sa Pilipinas nang malaman niya na nasalanta ng bagyo ang kanilang probinsiya.

Madaling-araw nang lumapag kahapon sa NAIA Terminal 2 ang eroplano na sinakyan ni Papa Manny na maghapon na walang pahinga dahil sa kanyang appointments.

Live na napanood kagabi ang interview kay Papa Manny sa Manny Many Prizes.

Shalani balik-TV ngayong tanghali

Balik-TV si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad-Romulo dahil ngayong tanghali ang pilot episode ng Game ‘N Go, ang Sunday noontime game show ng TV5.

Six months na rin ang nakalilipas mula nang huling mapanood sa TV si Shalani at dalaga pa siya noon.

Agad na isinama si Shalani sa cast ng Game ‘N Go dahil hindi na siya bumalik sa Wil Time Bigtime. Happy ang fans ni Shalani dahil muli nilang masisilayan sa TV ang kanilang favorite TV host. Nangako sila na susuportahan ang Game ‘N Go alang-alang sa pagmamahal nila kay Shalani.

ALJUR ABRENICA

ALYAS BEN TUMBLING

EL PRESIDENTE

N GO

ONE MORE TRY

PAPA MANNY

SHALANI

STAR CINEMA

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with