^

PSN Showbiz

Christian dinala at ipinakilala ang Singaporean girlfriend kay Rachelle Ann

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Bukod sa kanyang showbiz career ay masaya rin si Christian Bautista sa kanyang love life. Karelasyon ngayon ng singer ang Singaporean actress na si Carla Donareanu. Nagkasama at nagkakilala ang dalawa sa The Kitchen Musical na kanilang ginawa noon. Nasa bansa ang kasintahan ni Christian ngayon dahil isa rin itong disc jockey sa isang FM radio station natin.

Masayang-masaya ang binata sa estado ng kanilang relasyon ni Carla.

“Mas malalim, mas maraming time together,” bungad ni Christian.

Maging ang pamilya ng singer ay masaya rin sa takbo ng relasyon nina Christian at Carla.

“They’re happy. My family is very okay with Carla, and siya rin, very happy kasi siya lang ang nandito kaya ang family ko parang family niya rin,” pagtatapat ng binata.

Naipakilala na rin ni Christian si Carla sa kanyang mga kaibigan maging sa dating kasintahan na si Rachelle Ann Go.

Magkasama kasing nanood ng stageplay na pinagbidahan ni Rachelle Ann kamakailan sina Carla at Christian.

Samantala, bilang selebrasyon ng ika-sampung taon ni Christian sa industriya ay isang TV special ang mapapanood na Sunday’s Best sa June 24.

Kabilang din si Christian sa Icons concert na gaganapin sa Arena ng Mall of Asia mamayang gabi kasama ang pinakamalalaking pangalan sa music industry.

“It’s about time para ang Filipino artists ay bumalik in full force at maipakita ang kagandahan ng Original Pilipino Music noon at ngayon. I’m proud na makasama at para mag-unite tayo bilang isang bansa para sa musika,” sabi pa ni Christian.T

Luis walang balak mamatay sa sobrang trabaho

Malapit na magkaibigan sina Luis Manzano at Toni Gonzaga kaya sobrang natuwa ang aktor nang malaman na magsasama sila sa isang pelikula kung saan ay kasama rin si Vice Ganda. Laging niloloko ni Luis si Toni sa tuwing maaalala ang unang pelikulang ginawa ng dalaga noon.

“Magkasama kami sa ASAP at minsan tini-text ko siya sa mga kalokohan lalo na kapag pinapalabas ang all-time hit na Pakners (pinagbidahan nina Fernando Poe, Jr. at Efren “Bata” Reyes) na talaga namang revolutionized Philippine cinema.

“So, ’pag napapanood ko ’yun, kinukunan ko pa sa TV at itini-tweet ko pa sa kanya. I’m very proud of her in Pakners,” kuwento ni Luis.

Masaya ang binata sa naabot ng showbiz career ni Toni at ayon kay Luis ay magaling talaga si Toni bilang aktres.

“Si Toni nakasama ko na sa ilang hosting stints. I’m looking forward to working with her again. Acting-wise nag-Crazy For You and Your Song Presents Last Romance kami on TV. At ngayon first time namin to work on the big screen kaya I’m very excited especially sa istorya,” giit ni Luis.

Kahit abalang-abala ang binata sa kanyang show­biz commitments ay hindi naman niya napaba­bayaan ang personal niyang buhay.

“I’m very fortunate na puro hosting ang ginagawa ko. But when I start acting na naman, medyo iba ang oras niyan. It’s all about time management. Tinanggap ko na sa sarili ko na I will not overwork myself. Na-realize ko na it’s not worth it, na halos borderline mamatay ka na,” paliwanag pa ng binata.

Reports from JAMES C. CANTOS

CARLA

CARLA DONAREANU

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

CRAZY FOR YOU AND YOUR SONG PRESENTS LAST ROMANCE

LUIS

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with