^

PSN Showbiz

GMA Network CEO kinilala ng UP Alumni

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinilala bilang Lifetime Distinguished Achievement Awardee ng University of the Philippines Alumni Association (UPAA) si GMA Network chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Bilang chairman ng GMA Network simula noong 1975, pinangunahan ni Gozon ang pagbangon nito mula sa dating naluluging Republic Broadcasting System (RBS)-TV hanggang sa kilalaning nangungunang multimedia conglomerate sa bansa. At ang halos apat na dekada niyang pagsisilbi bilang isa sa mga pinuno ng Philippine broadcast ay nakatulong sa paghulma ng kasaysayan at demokrasya sa Pilipinas.

Mapapasama ang na­­sa­bing UPAA award sa listahan ng mga pag­ki­lalang una nang natanggap ni Gozon.

Kabilang sa mga ito ang pres­tihiyosong Chief Jus­tice Special Award mu­la sa Chief Justice of the Philippines (1991), ang Presidential Award of Merit mula sa Philippine Bar Association (1990 & 1993), CEO of the Year Award mula sa Uno Magazine (2004), People of the Year Award ng People Asia Magazine (2005), at Tycoon of the Decade Award ng Biz News Asia (2011).  

Unang kinilala ng UPAA si Gozon bilang Outs­tanding Professional Awardee sa Mass Communication noong 2003.

Hawak ni Gozon ang Bachelor of Laws degree mula sa UP (1962) at Master of Laws degree mula sa Yale University (1965).  

BACHELOR OF LAWS

BIZ NEWS ASIA

CHIEF JUS

CHIEF JUSTICE OF THE PHILIPPINES

FELIPE L

GOZON

LIFETIME DISTINGUISHED ACHIEVEMENT AWARDEE

MASS COMMUNICATION

MASTER OF LAWS

PEOPLE ASIA MAGAZINE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with