^

PSN Showbiz

Ipe hindi pa alam kung anong posisyon kakandidato

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

May importanteng announ­cement si Phillip Salvador this week, hindi nagbigay ng clue kung ano ito, basta importante. Tama kaya ang iniisip namin na tungkol sa muling pagpasok sa pulitika ng aktor ang kanyang ipahahayag?

Sa presscon ng Makapi­ling Kang Muli, kinumusta kay Phillip ang plano niyang muling pagtakbo sa darating na election at  “Yeah, but I will let you know my final decision” ang sagot nito.

Malalaman natin kung anong posisyon at kung saang lugar siya tatakbo.

Samantala, hindi pa lumalabas ang karakter ni Phillip sa Makapiling Kang Muli at very dark ang role niya. Si Al Pacino sa Scarface pa nga ang peg ni Ipe. Imo-mold niya si Richard Gutierrez na maging kasing bad niya rito.

Malaki ang tiwala ni Phillip kay Richard bilang aktor. Sabi nito: “Nakikita ko sa mga mata niya, malalim at may ilalabas pa. Nakikita ko mga mata ni Eddie (Gutierrez) sa mga mata ni Richard.”

Ipinaalala ni Phillip sa press na there was a time na walang naniwalang lalabas na magaling na aktor si Eddie, until manalo ito ng best supporting actor award sa movie na pinagbidahan ni Phillip.

Herbert balik-horror

May teaser na ang Pridyider ng Regal Entertainment, Inc. pero si Andi Eigenmann pa lang ang ipinapakita. May fear factor agad ang movie kahit nagbukas lang ng ref ang aktres at tumambad ang laman ng ref.

Puwede palang ibalik kay Janice de Belen ang title na Horror Queen dahil puro horror ang mga pelikula nito this year. Bukod sa Pridyider, kasama rin ang aktres sa The Healing ng Star Cinema na baka magkasunod ang playdate.

Kasama rin si Janice sa cast ng Shake, Rattle & Roll 14 at tama ba ang tsikang join din sa cast si Quezon City Mayor Herbert Bautista? Kung totoo ito, balik-Shake… lang si Kyusi Mayor dahil bida siya sa Manananggal episode ng unang-unang Shake, Rattle & Roll.

Mike Tan walang pakialam kahit supporting lang

Ayaw paapekto ni Mike Tan sa kantyaw ng press na support lang siya ni Marc Abaya sa Faithfully dahil ang singer-actor ang talagang leading man at pinag-aagawan nga ng apat na babae sa story. Ayos lang kay Mike kung supporting siya, ang importante, maka-deliver siya ng gusto ni Direk Mike Tuviera.

Hindi rin isyu kay Mike na ibinalik siya sa afternoon soap after magpakita ng husay sa Legacy. Ayaw niyang mamili ng trabaho lalo’t wala siyang karapatang mamili.

May hinuhulugang condo unit sa Ortigas at Manila si Mike at ’pag nakabayad siya, baka kumuha siya ng condo sa may Quezon City, malapit sa GMA7. Ayaw niya munang bumili ng car hangga’t nagagamit pa ang Innova na napanalunan pa niya sa StarStruck 2.

Kung may magtitiwalang movie producer, gusto uli ni Mike gumawa ng movie. Manay Po 2 pa ang last movie niya na ’di na matandaan kung anong year.

Agot hindi na kayang magpuyat

Ibinigay ng GMA 7 ang request na 2:00 a.m. cut-off ni Agot Isidro sa taping ng One True Love, kaya nagpasalamat ang aktres. Hindi na niya kayang magpuyat ng sobra dahil 46 years old na siya sa July 20. Maaga rin naman ang call time ni Direk Andoy Ranay, maraming nakukunang eksena hanggang sa cut-off ni Agot.

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ANDI EIGENMANN

AYAW

DIREK ANDOY RANAY

DIREK MIKE TUVIERA

MIKE TAN

NIYA

PHILLIP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with