Home study program ng DepEd susuriin
MANILA, Philippines - Uusisain ni Tina Monzon-Palma ang home study program ng Department of Education (DepEd) na sinasabing alternatibong solusyon sa pagsisiksikan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan ngayong Huwebes (Hunyo 14) sa Krusada.
Sa ilalim ng programa, sa bahay na lamang mag-aaral ang estudyante gamit ang module na base sa regular na kurikulum at makikipagkita na lamang ito sa kanyang guro tuwing Sabado para turuan.
Sisilipin ni Tina ang kalagayan ng mga paaralang nagpapatupad ng home study program pati na rin ang opinyon ng mga tutol dito kabilang na si Rep. Raymond Palatino na sinasabing hindi naman ito makakatulong sa kinabukasan ng mga bata.
Paano nga ba masosolusyunan ng pamahalaan ang suliranin sa pagdami ng mga estudyante at kakulangan sa classrooms? Home study nga ba ang kasagutan o isa na naman itong programang hindi pinag-isipan at pinagplanuhan?
Dahil ang tunay na paninindigan para sa edukasyon ay hindi puro salita lamang, manood ng Krusada kasama si Tina ngayong Huwebes pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) ng 9:15 p.m.
- Latest